Rosanna Roces, ‘di makabalik sa showbiz sa dami ng kagalit

HINDI NAMAN NAGPAPAKA-PLASTIC si Rosanna Roces para sabihing malaki nga ang ipinagbago ng takbo ng kanyang kabuhayan ngayon, lalo na sa aspeto ng pananalapi. Kasi nga, madalang pa sa patak ng ulan ngayon kung siya ay magkaroon ng trabaho. Kung mayroon man siyang perang naiipon dati, nagastos na rin siyempre niya iyon dahil sa kanyang mga pangangai-langan. Kumbaga, nahinto na kasi ang dating maraming trabaho na dumarating sa kanya.

Palaban lang sa buhay si Osang, kaya ang mga paghihirap na kanyang dinaraanan nga-yon, pilit niyang kinakaya, at nalalampasan din naman. Kapag nahihirapan siya ay iniisip na lang niya, na naranasan din naman niya ang buhay na bonggang-bongga nu’ng sikat na sikat pa siya. May mga tao pa siyang kakontra sa showbiz, kaya nahihirapan pa rin talaga siya kung papaano muling makababawi ang kanyang career. ‘Yung tipong hindi na ulit para magreyna sa kasikatan, kundi magpatuloy lang ang kanyang career, dahil magaling na talaga siyang aktres.

Nauna lang kay Osang ang paghuhubad, pero noon pa man, gusto niyang maging aktres talaga. Isa sa matinding kaalitan na dapat sana’y makaayos na ni Rosanna ay si Manay Lolit Solis. Napakaraming kaibigan ni Manay sa showbiz na may mga koneksiyon, na kung bibigyan si Osang ng trabaho, hindi na lang itutuloy kung iirapan naman sila ni Manay at hindi na papansinin.

NITONG NAKARAANG SUNDAY, nag-guest kami sa Paparazzi ng TV5, at dahil kontro-bersiyal na nali-link ngayon ang direktor ng talkshow na si Direk GB Sampedro kay Ai-Ai delas Alas pagkatapos nilang mag-break ni Candy Pangilinan, gusto ng mga kasamahan sa panulat na mainterbyu at makita si Direk. Hindi nga kasi ito humaharap sa kamera para magpa-interview. Bago umere ang show, nasulyapan ko na si Direk, kaya alam ko nang siya iyon.

Nu’ng matapos ang show at papauwi na kami, hindi namumukhaan ng mga kasamahan kong press si Direk na lumalakad sa hallway ng TV5 dahil papauwi na ring kasabay namin. Nakatuwaan kong ibuking siya: “Hinahanap n’yo si Direk GB?  Hayan siya, at kasabay n’yo naaa!” Ang ending, hindi na nakaiwas si Direk, dahil kinorner na siya ng mga kapatid sa panulat.

Matipid magsalita si Direk GB, pero diretso, guwapo siya na maganda ang katawan. Hindi raw sila nagkabalikan ni Candy. Pero sinigurado niyang maganda ang closeness nila ngayon ni Ai-Ai, dahil matagal na rin daw silang magka-kilala, lalo pa’t pareho naman silang mina-manage ng Backroom ni Kuya Boy Abunda. Obviously, excited si Direk GB na pag-usapan si Ai-Ai. Nangangamoy pag-ibig nga! Me gano’n, sa totoo lang!

IWASAN NA DAPAT ng singer na si Gerald Santos, na sa tuwing haharap siya sa press ay maungkat pa ang tungkol sa isyu nila ng sikat na composer at musical director. Diumano’y nag-atempt ang nasabing composer na molestiyahin siya noong nagsisimula pa lang ang kanyang singing career sa bakuran ng GMA-7 sa pamamagitan ng isang singing contest. Ito na kasi ang laging itinatanong sa kanya.

Mapagbibintangan na kasi si Gerald na nanggagamit kung ganyang lagi na lang siyang nagpapaliwanag at nagdedetalye kung papaano siya tinrato ng sikat na composer nang minsan imbitahan siya nito sa kanyang house at magkasarilinan sila. Pagtuunan na muna dapat ng pansin ni Gerald at ng kanyang talent manager, kung saan network siya mapupunta ngayong wala na siya sa bakuran ng Siyete.

Pagkatapos mawala ni Gerald sa GMA, napapanood naman siya sa TV5. Para sa kanyang mga tagahanga, puwede n’yo siyang mapanood dahil magkakaroon siya ng benefit at pre-Valentine concert sa February 5 sa Zirkoh, Morato entitled “Luv Haus” para sa mga batang may kanser na nasa pangangalaga ng The CHILDHAUS na ngayon ay pinaaalis na sa kanilang tirahan sa bakuran ng PCSO.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

5 thoughts on “Rosanna Roces, ‘di makabalik sa showbiz sa dami ng kagalit

  1. basat maging maaayos lang attitude nya sa work at ka trabaho nya,,magiging ok ang lahat,,kase magaling naman na actress is osang,sa kahit anong role o panahon,.pretty pa!..ikinasira lang tlaga ni osang ang super pageexploit ng body nya at mga isyung nagpa nega sa pagkatao at sarili nya,,nag pa uto sya sa mga taong fake sa showbiz,,hehe,kaya hayan,,but i guess,,shes into god now,.at maayos naman syang ina at lola,,kip it up!!better,,maging single blessedness wid god kanalang,,hay nako,,wag ng idikit si lolit kay osang kase may sari sarili nilang life,,ok,,ayusin nila ito!!just work decently at proffesionaly,,yun lang naman e!

  2. we LOVE OSANG,,NAMAN,,SHES AN ACTRESS TLAGA,,PAST IS PAST MAHALAGA JAN MAGBAGAO ANG MGA TAO,MAGBAGO SIYA AT SI LOLIT NADIN,,BAKIT BA LAGI NYONG TINATAG SI LOLIT JAN E ,HINDI NA SILA FRENS AT GANUN TLAGA,HIDNI SILA CLIK!WAG IPILIT NA,.LIFE MUST GOES ON,.MAY SARILING BUHAY SI OSANG,ANG GUSTO KOLANG,JUST WORK DECENTLY AT PROFFESIONALY SA LAHAT NG STARS KASE NASA TAO NAMAN ANG PASYA NG LAHAT,ANUMANG PILIT NILA,.PAG AYAW NG TAO,WALA SILANG MAGAGAWA,FLOP!!.I WISH MAKABALIK NA SA TV AT MOVIES SI OSANG,WE LOVE HER,SHES REALLY PRETTY,SANA LANG PAPAYAT SYA,.AT MAGING MAAYOS ANG MGA ANAK AT LIFE NYA PA,,I HOPE SHE GUIDED BY HER FAITHNIN GOD NOW,.MAKAKATULONG KAY OSANG PAGBABASA NG BIBLE,.ITS MOLDS HER INNER SELF,.AND JUST SIMPLE LIFE,.SANA TLAGA MAKITA PA NAMIN SAY,.IN MORE TV AT MOVIES,,LOVE U OSANG!

  3. untouchable dati yang si rosanna marami nakaka -away nung kasikatan niya para siyang si annabel din na walang takot. na parang wala ng wakas. ang karma talaga napakabilis. ngayon naghihirap nat walang mga kaibigan dahil nun nang -aaway ito kaya wala ng kakampi ngayong naghihirap. paano ba naman kasi me dating umako dito ke osang na isang militar yata pero nanlalake itong si osang kaya sila naghiway pinakasalan siya akala magbabago na ng ugali itong babae na ito. ngayon pakabit-kabit na lang kung sino-sino. walang naipon na pera dahil malakas mag ECSTASY. lulong sa droga. kaya ngayon taghirap na, sino pa ba kukuha sa kanya na ganyan ang pag -uugali?

  4. bakit nman ganon c lolit solis bakit hindi ny bigyan n pagkakataon c osang mas gusto b nyang mayroon taong naghihirap habang siya nagpapasarap s buhay anong klase nman cy? kong galit cy k rossana wag ng pakialam kong cinong gustong kumuha ng serbisyo n rossana kc may pamilyang tao may mga anak n binubuhay, hindi ako fan n rossana kaso lang bilang kristiano HINDI nakakatatuwa ang ganyan tao tulad n lolit kong totoo ang nabasa ko, alalahanin n lolit nagbabago ako panahon at pwede mangyari s kanya ang nangyari k osang bk paggising ny mas masahol p cy k rossana walang wala n. ganyan b kalakas c lolit s showbiz s mga producer? sayang kababayan ko p nman cy pareho kaming bicolana. SANA LOLIT LUMAMBOT NMAN ANG PUSO MO PARA K OSANG MATANDA KN MARAMI NG NARARAMDAN S KATAWAN ILANG HAKBANG NLANG MALAPIT KN S HUKAY AT HAHARAP K N S LORD. kaya matuto kang magpatawad ng patawarin kdin ng amang nsa langit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.