Rosalka, panalong-panalo sa hapon!

Dalawang Linggo pa lang ipinapalabas sa ABS-CBN Hapontastic ang teleseryeng Rosalka, pero ngayon pa lang, sobra-sobra na ang papuring natatanggap nito mula sa mga televiewers tuwing hapon.

Ito bale ang kauna-unahang lead role ni Empress Schuck. Aaminin namin na noong una naming nakita ang poster, hindi namin ito nagustuhan. Ilang beses na bang nagkaroon ng kubang bida sa Dos? Wala rin itong matibay na support cast kaya talagang pasan ni Empress ang pressure na tumaas ang ratings ng kanyang programa. First time din ni Felix Roco na maging leading man sa isang teleserye at si Matt Evans naman ay mas identified kay Melissa Ricks.

Pero kabilib-bilib itong Rosalka, ha? Unang Linggo pa lang, nakuha na nito ang aming interes. Maganda na ginawa nilang palaban ang lead character. Dapat lang talaga na maging palaban ang isang tao kahit pa marami itong kapintasan. Pinatunayan ni Rosa na hindi ito sagabal sa pagtupad ng kanyang pangarap. Maraming magagandang aral na mapupulot sa palabas na ito.

Hindi rin kami makapaniwalang kikiligin kami sa tambalang Felix at Empress. Napanood namin si Felix sa Engkwentro, pero hindi namin na-imagine na effective leading man din pala siya na nahuli ang kiliti ng mga viewers. Nakaaaliw rin ang pagseselos ni Matt Evans. Mas okay ang hitsura niya ngayon at tila makakagawa na rin siya ng pangalan na hindi nakadepende sa loveteam lang.

Gusto naming i-congratulate ang cast and crew ng Rosalka. Ipagpatuloy n’yo lang ‘yan!

Comments? Questions? Suggestions? E-mail us a t pinoyfansclub@gmail.com and visit our site at http://www.pinoyfansclub.com

loading...

4 thoughts on “Rosalka, panalong-panalo sa hapon!

  1. grabe maganda tlg ang rosalka…ms maganda sha pag walang make up. HAHAHAH mejo creepy ang rosalka…tapos unpredictable ang mga scenes kaya mas lalong gumaganda..

  2. frankly,maganda yung story pero yung bida c Empress hindi maganda for me kc di maappeal yun itsura nya., patay ang itsura i mean mabigat ang dugo.. that’s my opinion.

  3. me too, inabangan ko tlga ito… ang ganda ni empress nung ngtransform cya…can’t wait to see the next episode!

Leave a Reply

Your email address will not be published.