Love Compatibility: Rosalinda at Fernando Jose: Swak nga ba?

Real Name: Carla Angelene Reyes Abellana

Screen Name: Carla Abellana

Birthday: June 12, 1986

Zodiac Sign: Gemini

Symbol: The Twins

Ruling Planet: Mercury

Quality: Mutable

Element: Air

Basic Trait: I Think

Closest Metal: Quicksilver

Lucky Day: Wednesday

Lucky Colors: Saffron Yellow and Azure Blue

Lucky Gems: Topaz, Agate and Aquamarine

Lucky Flowers: Azaleas and Lilies

Real Name: Geoffrey Michael A. Eigenmann

Screen Name: Geoff Eigenmann

Birthday: March 23, 1985

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday

Lucky Colors: Blood Red and other bold colors

Lucky Gems: Jasper and Ruby

Lucky Flowers: Geraniums

HINDI PA MAN nagsisumula, mukhang hot na hot item na ang dalawang Kapuso stars na ito dahil sa hinihintay nilang paglabas sa primetime TV. Kung mapapantayan nila ang kasikatan at karangyaan na tinamo nina Marian Rivera at Dingdong Dantes, aba, mukhang makakikita na naman tayo ng isang grand tandem sa pangunguna nina Carla at Geoff.

Pero ‘ika nga ng matatanda, huwag munang magbilang ng sisw habang hindi pa napipisa ang itlog. Dahil sa mga susunod pang mga araw, patutunayan ng dalawang ito ang tindi at bagsik ng kanilang loveteam! Kaya ba nilang ipaglaban ang pag-iibigan nila katulad nina Rosalinda at Fernando Jose? O, baka naman sa kangkungan lang daramputin ang kanilang pagsasama?! Abangan na lang natin!

In the meantime, mag-consult muna tayo sa mga stars kung keribels lang nina Carla at Geoff ang kanilang relationship kung saka-sakaling magkatuluyan silang dalawa sa totoong buhay.

Si Carla ay isang Gemini samantalang si Geoff ay isang Aries. At ayon sa ating love compatibility, ang pagsasama ng Gemini at Aries ay magdudulot ng walang hanggang kasiyahan para sa dalawa. Ito ay dahil sa wala silang kapaguran at palaging naghahanap ng aksiyon sa kanilang buhay. Hinding-hindi sila mabo-bore sa isa’t isa. Sa katunayan pa nga, mabangis ang kanilang relasyon lalong-lalo na pagdating sa kama. Si Aries ay palaban at matalino, pero hindi papahuli ang tuso at mapamaraang Gemini.

Magiging matagumpay ang kanilang pagsasama sa buhay. Mahilig silang maglibang sa sarili, kausapin at mahalin ang isa’t isa, at higit sa lahat, bukas ang kanilang isipan sa anumang uri ng problemang darating sa buhay nila.

Kung totohanin man nila Carla at Geoff ang kanilang loveteam, aba, mukhang wala naman palang problema sa kalalabasan ng kanilang buhay-lovers! Iyon nga lang, maghihintay pa tayo ng ilang buwan para makita natin kung talagang swak na swak ang kanilang tambalan!

by Jerome Caraballa

Related Post

loading...

4 thoughts on “Love Compatibility: Rosalinda at Fernando Jose: Swak nga ba?

Leave a Reply

Your email address will not be published.