RORO Vessel, Pinasok ng Tubig; 52 Pasahero, Ligtas Na

AABOT SA 52 pasahero ng isang roll-on, roll-off (RORO) vessel ang inilikas ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos itong pasukin ng tubig sa karagatang sakop ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Sinabi ni Calapan Detachment Commander Lt. Jonathan Galam na bandang alas-6:30 ng umaga nang maglayag ang MV Baleno mula sa pier ng Batangas City patungong Calapan City.

Bigla na lang u-manong natanggal ang isa sa mga elesi ng barko habang naglalayag dahilan para pasukin ng tubig.

Nagawa naman ng ka-pitan ng barko na mailapit sa Calapan City Pier ang MV Baleno kung saan isinagawa ang paglilikas.

Samantala, hindi naman nailigtas ang mga rolling cargo na sakay ng RORO tulad ng truck, kotse at jeep.

Tuluyan na ring tumagilid ang nasabing barko kung saan ang kanang bahagi nito ay nasa ilalim na ng tubig.

Sa ngayon, tiniyak ni PCG spokesperson Lt. Commander Armand Balilo na walang nasugatan o nasawi sa insidente dahil sa maagap na pagresponde ng Calapan PCG.

(PARAZZI REPORTORIALTEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.