Room Attendant sa Bora, Nakuryente, Patay

DEAD ON arrival sa isang pribadong ospital sa isla ng Boracay sa Kalibo, Aklan ang isang 22-anyos na dalaga matapos itong makuryente.

Kinilala ang biktima na si Charlene Gay Conanan, residente ng Brgy. Nagustan, Nabas, Aklan at kasalukuyang nagtatrabaho bilang room attendant sa isang resort sa naturang isla.

Batay sa imbestigasyon, sunog ang ulo ng biktima dulot ng malakas na impact ng kuryente na naging dahilan ng agaran nitong ikinasawi.

Nangyari ang insidente habang pababa nang hagdan sa nasabing resort ang biktima ay sumagi sa live wire ng Akelco ang pinapasan nitong curtain steel rod.

Agad namang tinulungan ang biktima at dinala sa isang private clinic at inilipat sa isang pribadong ospital pero idineklara ito na wala ng buhay. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.