Rookie Cop, Todas sa Pamamaril

ISANG MALAWAKANG paghahanap ang isinasagawa ngayon ng mga operatiba ng Caloocan City Police Station laban sa isang lalaki na bumaril at nakapatay sa isang bagitong pulis, habang arestado naman ang da-lawang kaanak ng suspek makaraang gumawa ng paraan para makatakas ang suspek sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Ang pinaghahanap na suspek ay nakilalang si Mark Anthony Ventura, alyas “Macky”, 24, ng Block 2, Lot 20, Dama De Noche St., Phase 2, Natividad Subd., Brgy. 168 ng nabanggit na lungsod.

Habang kasalukuyan namang nakakulong sa detention cell ng nabanggit na himpilan ng pulisya ang dalawang kaanak ng naarestong suspek na sina Susan Ventura, 47, biyuda; at Bienvinido Ventura, 20, pawang na naninirahan sa nasabing tirahan.

Hindi naman umabot nang buhay sa Quezon City General Hospital si PO1 Mark Jonnel Susano, 25, PNP personnel at nakatalaga sa Regional Public Safety Batallion ng NCRPO at residente ng # 816 Bagumbong Dulo, Brgy 171, Caloocan City.

Base sa ulat ni SPO2 Joselito Delos Reyes, may hawak ng kaso, bandang alas-11:30 ng gabi nang barilin at mapatay ng suspek ang biktima sa kahabaan ng Cabatuan Road cor. Maranaw St., Deparo.

Nabatid, naglalakad ang biktima sa nasabing lugar ng dalawang beses na barilin ng suspek ang biktima na tinamaan sa dibdib at pagkatapos ay mabilis na tumakas patungong Cabatuhan Road habang si PO1 Susano naman ay mabilis na dinala sa nasabing pagamutan ng ilang residente sa naturang lugar.

Napag-alaman pa, matapos na barilin ng suspek ang biktima ay nagtago ito sa kanilang bahay at ng puntahan ng mga pulis ang ay ikinandado nina Ventura ang kanilang gate para hindi mahuli na naging daan para tuluyang makatakas ang suspek.

Dahil dito, sina Susan at Bienvinido Ventura ay inaresto ng mga pulis at ipinagharap ng kasong paglabag sa PD 816 (Obstruction of Justice).

(ROMAN MAGPOC)

loading...

One thought on “Rookie Cop, Todas sa Pamamaril

  1. sobra ng sama ng tao at talamak ang nakawan at patayan sana magkaroon ng kampanya ang pulisya laman dito, maging sila at nagiging biktima. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.