Ronnie Liang, magpapaseksi na para umusad ang career

ISANG CAREER move daw ang gagawin ng singer na si Ronnie Liang, at iyon ay ang pagpapaseksi. Para tuloy masarap siyang sabihan ng: “Bakit ngayon ka lang?” dahil matagal nang pinagpapantasyahan ang kanyang katawan na puwede talagang hubaran sa mga pelikula, pero mas inuna muna niya kasi talaga ang pagpapatunay na isa siyang singer.  Marunong din naman kasi siyang umarte, dahil kasama sa unang plano ng pag-entra niya sa showbiz ay ang mag-artista rin talaga sa pelikula.

Hindi muna ipinilit ang pagpaseksi, dahil nasimulan na talaga ang career ni Ronnie sa pagkanta. Kaya lang, kahit alam na sa showbiz na isa siyang singer ay parang mabagal pa rin ang pag-asenso ng kanyang singing career. Dahil sa totoo lang, ang dami-daming mas magagaling na mang-aawit kesa sa kanya, na mas nabibigyan ng magandang pagkakataon sa music industry, kaya ang para kay Ronnie ay dasal pa rin para sa marami, na sana nga ay bumongga pa ang singing career niya.

Pero kung makakatulong ang pagpapaseksi na gagawin ni Ronnie, ay bakit naman ang hindi? Guwapo kasi siya, makinis ang kutis at malakas ang dating ng sex appeal. Maganda ang katawan ni Ronnie. Minsan ngang rumampa siya sa entablado para sa mga produkto ni Joel Cruz, kumanta siyang fit na fit ang suot sa katawan, at bakat na bakat ang kanyang harapan habang kumakanta, kaya ang naging dating tuloy ay napakaseksi pala niya at may ipinagmamalaki, huh!

 

MAHABANG MGA taon na talagang namamayagpag sa ganda ang mga teleseryeng gawa ng ABS-CBN, at ang katunayan niyan, sina Helen Gamboa at Dawn Zulueta na rin ang dalawa sa mga sikat na artista sa showbiz ang hindi nakapagpigil na ibigay ang papuri sa pamamagitan ng pagsasabing kakaiba talagang gumawa ng mga teleserye ang Kapamilya Network. Grabe rin naman kasing magtrabaho ang mga kamera ng ABS dahil kahit teleserye, sa kabuuan ay para kang nanonood ng isang pelikula.

Hindi na bumibitiw ang ABS sa paghahandog nila ng magagandang teleserye, depende na nga lang kung pumapasok din iyon sa panlasa ng mga manonood sa telebisyon. Pero sa karera ng patuloy na pag-iisip ng mga bagong ideya kung papaano makapaghahain sa mga manonood ng magagandang teleserye at iba pang programang libangan, sobrang palaban na talaga ngayon ang GMA-7 sa Dos sa paggawa ng magagandang teleserye.

Ang labanan pa rin talaga sa telebisyon ay nasa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7, dahil malayung-malayo pa naman sa kanila ang agwat ng mga ginagawang pagsisikap ngayon ng TV5 para mapabongga ang kanilang istasyon. Pero ang importante, humahabol ang Singko sa Dos at Siyete. Dahil sa kasipagan ng Kapamilya at Kapuso na magtagumpay sa kanilang layunin na makapagbigay ng magagandang panoorin, sobrang masaya ang televiewers, dahil isang malaking LIBANGAN talaga ang telebisyon sa panahong ito na nagpapagandahan sila ng mga programa.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

3 thoughts on “Ronnie Liang, magpapaseksi na para umusad ang career

  1. Wow in all fairness yummy si Ronnie.. I can’t wait to see him taking off his clothes. Crush ko talaga sya noon pa.. What film is he doing?

Leave a Reply

Your email address will not be published.