Ronnie Liang, goes daring!

TIPONG HINDI TALAGA nagkatuluyan sina JC de Vera and Rhian Ramos.

Paired sa GMA primetime soap noon na La Lola, everyone thought magiging sina JC and Rhian until it was decided not to give them a follow-up soap. Ibinalik si Rhian sa original partner niyang si Richard Gutierrez sa Zorro na nasa Tele-Babad lineup ngayon ng GMA at si JC naman ang magiging bagong partner ni Heart Evangelista sa magsisimulang Sine-Novela na Ngayon At Kailanman na pamalit kapag nagtapos ang Paano Ba Ang Mangarap?.

Even though, malakas pa rin ang kutob ng showbiz na mapaghiwalay man sina JC at Rhian, magiging sila pa rin offcam. Hindi rin yata ito natuloy. We saw Rhian twice in a row; first for the Soda launch kung saan siya ang bagong endorser and just recently, sa special pocket interview na binigay sa kaniya ng GMA Artist Center and in both instances, Rhian is wearing a short skirt. Sa pagkakakilala namin kay JC, hindi niya pinapayagan ang girlfriend niya na mag-short skirts in public.

So it follows…

HANDA NA BANG magpa-sexy si Ronnie Liang?

We remember Ronnie pre-PDA, na-introduce noon sa Mano Po 4 Ako Legal Wife in a very sexy appearance kung saan supposedly naliligo siya sa shower at nabosohan ni John Prats na gumaganap na bading. Fast forward to PDA kung saan siya ang nag-First Honor kay Yeng Constantino, Ronnie became very wholesome, and for that nag-double at triple ang fan base niyang puro bagets na girls. His PDA stint was more than three years ago and Ronnie could change image soon.

Hinahanda na ni Ronnie ang second album niya from Universal Record as follow-up to his multi-repackaged gold debut album. May bago rin siyang concert this May 23 sa Metro Bar, ang Ronnie Liang Revealed with guest stars Jed Madela, Laarni Lozano and Yeng C from his manager’s Rocca Productions. Ano ang iri-reveal niya rito? Walang patumanggang sumagot si Ronnie na some skin plus a new repertoire. Then, mag-i-indie movie na rin siya.

Makikita na ba nating muli ang kaniyang hubad na katawan? Hindi kaya ma-insecure ang Cappuccinos? Chos!

BAKA HINDI MAKATULONG si Kris Aquino kung kakandidato nga si DND Secretary Gilbert Teodoro Jr.

Wild card na maituturing si Secretary Gilbert nang mag-float ang pangalan niya bilang isa sa possible presidentiables na isusulong ng GMA administration in the 2010 elections. Definitely, he will go against VP Noli de Castro sa darating na administration party convention this May. Alam n’yo naman ang dark horse sa labanan, minsan nakakapuwing, so Secretary Gilbert has a chance to be the administration bearer this May.
Kung si Secretary Gilbert ang tatanungin kung sinong celebrities ang gusto niyang tumulong sa kampanya niya, kung sino man daw ang puwede. Ang unang itinanong sa kaniya, ang kaniyang pinsang pangalawa na si Kris pero ngayon pa lang, malabo raw itong mangyari. Kris has been quite open that she plans to help Mr. Palengke Mar Roxas for several reasons; una na dahil magka-party sina Senator Mar at ang kapatid niya na si Senator Noynoy Aquino.

Then, close friends sina Kris and Korina Sanchez, Senator Mar’s fiancé.

Merese
by Dinno Erece

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.