Ronnie Alonte, nagpaliwanag sa sex video scandal

Ronnie Alonte

Ronnie Alonte

Diretsahang ipinaliwanag ng “Seklusyon” lead actor na si Ronnie Alonte kung bakit hindi dapat paniwalaan na siya ang nasa kumakalat na sex video scandal.

“Una sa lahat, siguro iba ‘yung hugis ng mukha niya sa mukha ko. Ang haba ng baba niya, paganu’n,” sabay demo niya.

“Malaki ‘yung ilong niya, eh. Magkahawig ‘yung mata, saka yung kilay namin. Aaminin ko talaga, kaliwa talaga ‘yung ginamit ng lalaki roon, kanan ho talaga ako.  

“Saka rito naman sa katawan, marami po akong taling (nunal), tapos may mahabang balat ako sa pusod. Balat talaga simula pa pagkabata,” dagdag na paliwanag niya. 

Sikat na nga ang #Hashtags member at dating varsity player dahil pinag-uusapan na siya.

“Laking pasasalamat ko sa nanira sa akin,” natatawa niyang komento.

Samantala, kasama ni Ronnie sa “Seklusyon” sina Dominic Roque, John Vic de Guzman at JR Versales. Produce ito ng Reality Entertainment at idinirek ni Erik Matti. Mapapanood ito simula December 25 bilang isa sa 8 pelikulang kasali sa 2016 Metro Manila Film Festival.

La Boka
by Leo Bukas

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.