Ronnie Alonte, ipinagdiinang wala silang relasyon ni Vice Ganda

BAGO pa man nakilala si Ronnie Alonte bilang ka-love team ni Julia Barretto, ay madalas nang idinidikit ang ang pangalan ng binata sa pangalan ni Vice Ganda.

Ronnie Alonte and Vice Ganda

Ang komedyante, noon pa man natsitsismis sa mga basketball player. Kung susundan mo nga ang mga naunang tsismis kay Vice Ganda, most of the men na na-link sa kanya ay mga basketball player.

Si Ronnie, bago naging member ng all-male group na #Hashtags sa noontime show na “It’s Showtime” sa ABS-CBN, isa siyang basketball player. Kung titingnan mo nga ang physical attributes ni Ronnie, no doubt na mapabibilang nga siya sa listahan ng “lovers” ng komedyante.

Ngayon nga, malakas ang tsismis na si Ronnie ang current “lover” ng komedyante. Na kesyo todo ang pagsuporta ni Vice Ganda sa career ng binata nang magsimula itong gumawa ng pelikula.

Sabi nga kasi, what Vice Ganda wants ay napapasakamay nito. At isa na nga rito si Ronnie. Pero pinaggigiitan talaga ng binata na “friends” lang sila ni Vice Ganda.

Sabi ni Ronnie, “‘Yung mga bashers mema, eh. Grabe nilang i-judge ‘yung mga bakla, eh. Grabe nilang i-judge ‘yung mga bi or ‘yung bading.

“At once na kasama, ibig sabihin dyowa kaagad. So, parang may something kaagad. Kagaya kay Vice or sa ibang makeup artist, or kahit sino man,” paliwanag pa ni Ronnie tungkol sa pagkaka-link niya kay Vice Ganda at sa iba pang bekis.

Nice daw ang komedyante, sabi  ni Ronnie. “Sobrang okay kami. Sa lahat ng nakasasalamuha ko na same ni Vice, okay ako. Mabait ako sa kanya, mabait kami sa isa’t isa.”

“Wala kaming relasyon,” pagdiriinan nga ni Ronnie bilang paglilinaw sa isyu.

Reyted K
By RK VillaCorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.