RONNIE ALONTE AND LOISA ANDALIO: Fantastic Love, Baby!

Ronnie Alonte and Loisa Andalio

RONNIE ALONTE

Real Name: Ronnie Alcantara Alonte II
Birthdate: October 26, 1996
Zodiac Sign: Scorpio

 

LOISA ANDALIO

Real Name: Josefina Loisa Francisco Andalio
Birthdate: April 21, 1999
Zodiac Sign: Taurus

 

IT TOOK TIME man bago sila tuluyang umamin sa publiko tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, happy kami to re-confirm na more than two years nang magkarelasyon ang Kapamilya young stars na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Ngayon na talagang sila na rin ang pinupush sa ‘reel’, mukhang tuloy-tuloy na rin ang shippers ng LoiNie sa pagsuporta sa kanilang paboritong loveteam. Sa katunayan, ang LoiNie ang isa sa tatlong young tandems na pasok sa Fantastica ngayong MMFF 2018.  Ngayon na umaariba ang kanilang showbiz career, kahit bas a kanilang personal love life ay magiging ‘fantastic’ din ang kanilang love?

Malakas ang attraction sa pagitan ng Scorpio at Taurus. Medyo challenge lang para sa dalawa in terms of intellectual level dahil magkaiba sila ng istilo sa pakikipag-usap. Kung malagpasan nila ito, masasabi na ang love match nila ang isa sa pinakamagandang tambalan sa zodiac in terms of compatibility. Pareho silang may pagka-possessive, pero mas seloso ang Scorpio. Magde-demand ito ng bonggang emotional attachment sa Taurus, na maaaring pagsimulan ng ‘di pagkakaintindihan.

Sa totoo lang, parehong matigas ang ulo ng dalawa, huh! Trip nila na sila palagi ang nasusunod. Dahil dito, kailangan nilang matutong mag-compromise sa isa’t isa. Kung minsan ay hirap nilang i-express ang kanilang nararamdaman kaya napu-frustrate sila. Kahit natural sa magdyowa na minsa’y may duda sa ka-partner, wala naman talagang totoong isyu na dapat pag-awayan (unless gusto lang nilang magpapansin!). Pareho silang loyal at basta magkaroon sila ng personal space from time to time, ang relasyong ito ay maghi-hit ng jackpot! Wow!

Kung ang babaeng Taurus ay nag-iisip na makipag-relasyon sa isang Scorpio, kailangan nitong maghanda. Tulad ng nabanggit ko kanina, may pagka-stubborn ang dalawang ito kaya kailangan nilang magbigay ng espasyo at lawakan ang pang-uunawa. Kung matutunan nilang respetuhin ang kanilang differences at suportahan ang kani-kanilang passion, bonggang romance ang ending nito!

Mukhang nasa right track naman ang LoiNie, in fairness! Ituloy-tuloy niyo lang ang pag-indak towards a fantastic lovelife! Pak!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.