Romulo, DFA chief pa rin ni Aquino

MANANATILI SA ADMINISTRASYON ni President-elect Benigno “Noynoy” Aquino III ang isa sa pinakamatagal na nagsilbing Gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, si Foreign Affairs secretary Alberto Romulo.

Nagsilbi na rin dati bilang Executive Secretary ni Arroyo.

“He (Aquino) asked me to remain in the Cabinet. I am honored and I have accepted, ’’ sabi ni Romulo sa isang panayam sa kanya matapos ang maikli niyang pakikipagkita kay Aquino kahapon sa tahanan ng nito sa Times Street sa Quezon City.

Sinabi ni Romulo na hindi siya binigyan ni Aquino ng time limit sa kanyang panunungkulan sa Department of Foreign Affairs, taliwas sa ispekulasyon na binigyan lamang siya ng isang taong ekstensiyon o pagpapalawig sa puwesto hanggang sa matapos ang one-year ban sa mga natalong kandidato, tulad ni Senador Mar Roxas II.

“There is no period of course. You know all of us serve at the pleasure of the president,’’ aniya.

Isa si Romulo sa mga nauna at iilang miyembro ng Gabinete ni Arroyo na nagpahayag ng suporta sa pagtakabo sa pagka-pangulo ni Aquino noong 2009.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Romulo, DFA chief pa rin ni Aquino

  1. Nakakalungkot lang na ang una sa listahan ni Pnoy ay ang Truth Commission!!! Hindi pa nga nakakabawi ang Pilipinas sa gulong ginawa ng Tatay at Nanay nya, heto na naman tayo. Mr. Future President ano bang UNITY ang pinagsasabi mo… eh ikaw itong nangunguna sa pakikipag-away eh? Gagamitin mo pa ang pera ng bayan sa mga imbestigasyon mo. Tama na yung ginawang gulo ng mga magulang mo. Meron naman tayong Dept. of Justice. Binabayaran na sila ng gobyerno eh bakit magtatayo ka pa ng hiwalay na commission? Kurakutan lang yan ng pera ng bayan eh! Biro mo ilang tao na naman ang ilalagay mo dyan? Ilan pa ba yang mga naninilaw mong kampon at kamag-anak ang hindi pa nailuluklok sa pwesto? Ano ba ang napala ng bayan sa PCGG ng Nanay mo? Ang maiparada sa buong mundo yong mga sapatos at gowns ni First Lady Imelda? Ang pag-interesan ng kamag-anak mo ang ibang mga alahas ni First Lady? Magkano na ang nagagastos ng gobyerno sa sweldo ng mga PCGG employees mula noong 1986 hanggang ngayon? UNITY KA NG UNITY EH, UNAHIN MO MUNA YUNG MGA KAMPON MONG NAGLALABO-LABO NA!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.