Rolito Go, balik-selda

NAKABALIK NA kahapon sa New Bilibid Prison (NBP) ang road rage killer na si Rolito Go habang mananatili naman sa kustodiya ng Anti-Kidnapping Group (AKG) si Clemence Yu, ang pamangking nurse ni Go upang patuloy na isailalim sa imbetigasyon.

Ito ay matapos na ta-ngayin umano sila ng 4 na kalalakihan na nagpakilalang mga taga-National Bureau of Investigation (NBI) habang nasa loob ng NBP nitong nakalipas na Martes ng gabi.

Ayon kay PNP Chief Director General Nicanor Bartolome, nakatanggap umano ng tawag kagabi ang PNP-Anti-Kidnapping Group mula sa kinaroroonan nila Go at Yu na sinasabing nakalaya sa kanilang mga abductor sa Sto. Tomas, Batangas at bumiyahe sakay ng Lucena bus patungong Ayala.

“According to Mr. Go and Mr. Yu, four persons took them from the NBP compound, that’s as far as their revelations are concerned,” sinabi ni Bartolome.

Kaugnay nito, kahapon ay iprinesenta ni Bartolome sa media ang dalawa na umano’y biktima ng kidnapping at dito mismong inamin ng dalawa na sila ay sapilitang tinangay ng apat na kalalakihan habang silay nasa loob ng NBP.

“Nu’ng galing ako sa Biglang Awa (chapel) pabalik na ako sa minimum compound, bigla silang pasok, apat sila ‘yung naka-ID sila, NBI daw sila tapos sinabi lumabas daw ako sa compound. Eh, sabi ko naman paano ako lalabas may sakit ako… may baril sila at inakbayan ako,” kuwento ni Go.

Tiniyak naman ngayon ng pamunuan na tuluy-tuloy ang kanilang isasagawang im-bestigasyon.

Sa katunayan, ayon pa kay Bartolome, nagsisimula na silang gumawa ng computerized sketch ng mga suspek para sa agarang ikadarakip ng mga ito.

“We have also started the computerized sketch of the suspects as recalled by the victims,” dagdag pa ni Bartolome.          (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.