Role ni Raymond Bagatsing sa serye ni Marian Rivera, sinusulot ni Gabby Concepcion

Raymond-BagatsingKASAMA SI Raymond Bagatsing sa Carmela at doon niya nalaman na may isyu pala sa kanya na nag-walk-out sa presscon ng Mumbai Love.

Hindi raw kasi niya tinapos ang presscon at hindi dumalo sa premiere night ng Mumbai Love na ginanap last Friday sa Cinema 9 Megamall.

Natawa at sabay sabi na, “Sa billing ang problema. Kaibigan ko si Neil Jeswani (producer ng Mumbai Love). Ako pa ang nagpakilala sa kanya kay Benito Bautista (director ng movie). Okey lang sana kung hindi na lang nila inilagay ang pangalan ko baka nagpunta pa ako sa premiere night.”

Sa isyu naman na hindi niya tinapos ang movie kaya nawala na siya sa ending ng movie. “Actually, one month ang hinintay ko, pero hindi natuloy ang shooting. Kailangan kong bumalik ng States para mag-renew ng green card. Kapag hindi pa ako bumalik ng Tate ay babawiin na ang green card ko.

“Apat na taon kong pinaghirapan at hinintay magkaroon ng green card, alam ninyo ‘yan. Actually late na nga ako para mag-renew uli ng green card kaya kinailangan ko uling mag-enter.

“Two months din akong namalagi roon para ma-renew ang green card. At salamat naman nakabalik ako kaagad after two months. Dahil nalaman ko na sinusulot daw ni Gabby (Concepcion) ang role ko sa Carmela. Kung nagtagal pa pala ako roon, baka nakuha na ni Gabby ang role,” pahayag ni Raymond.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

3 thoughts on “Role ni Raymond Bagatsing sa serye ni Marian Rivera, sinusulot ni Gabby Concepcion

  1. ako, like ko si raymond; kaya lang as isa sa lalaking ma-i-involve kay Marian as Carmela,di ko type. identified na kasi siya as either tatay o father-in-law ni MR sa previous series na niya. sana nga si Neil Ryan Sese na lang ang inilagay sa role niya. pero bongga kung si gabby, matured pero super yummy pa rin…

Leave a Reply

Your email address will not be published.