RODRIGUEZ, RIZAL, MAY DENGUE OUTBREAK

UMAABOT NA SA 387 katao ang may sakit na Dengue at 48 katao naman ang tinamaan ng sakit na Malaria makaraang manalasa ang ‘Dengue outbreak’ sa Rodriguez, Rizal.

Ayon sa tanggapan ni Rodriguez Mayor Cecilio “Elyong” Hernandez, saklaw ng mga naitalang biktima ng sakit na Malaria at Dengue ang 5 barangay sa nabanggit na bayan tulad ng Macabud, San Isidro, San Rafael, Mascap at Puray.

Kasabay nito, namahagi na ng 3,285 na mga kulambo ang lokal na pamahalaan sa tulong ng Global Fund-Malaria at ng Pilipinas Shell Foundation sa mga residente sa lugar upang maiwasan na madagdagan pa ang mga biktima ng nabanggit na sakit.

Bukod sa kulambo, namahagi na rin ng mga gamit at libreng check-up ang municipal health department na sinaklolohan ni Mr. Gary Aliggayu, project officer ng PSAFI.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang sintomas ng Malaria at Dengue ay ang mataas na paglalagnat, pananakit ng ulo at pagsusuka na umaatake sa loob ng 10 hanggang 15 araw matapos na makagat ng lamok.

Kinumpirma ng tanggapan ng alkalde na 387 katao ang tinamaan ng sakit na Dengue at 48 naman ang may sakit na Malaria sa 5 barangay sa bayan ng Montalban.

Apektado rin ng ‘Dengue outbreak’ ang mga bayan ng Tanay at lungsod ng Antipolo kaya’t binalaan ng lokal na pamahalaan ang libu-libo nitong residente na tiyaking laging malinis ang loob at labas ng bahay.

Tanggalin din aniya, ang mga suluk-sulok na mayroong hindi umaagos na tubig na madalas mapamahayan o itlugan ng mga lamok na may dalang nakamamatay na sakit.

Hindi naman tiniyak ng alkalde kung magkakaroon ng “fogging” sa mga barangay na binanggit upang tuluyang puksain ang lamok na may hatid na nakamamatay na sakit lalo na sa mga sanggol. (ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.