Rodjun Cruz, madalas makatanggap ng indecent proposal sa mga bading

Rodjun-CruzHINDI INILIHIM ni Rodjun Cruz na madalas siyang makatanggap ng indecent proposal sa mga bading. Nagsimula raw ito nang rumampa siya sa Cosmo Bash last year at nu’ng lumabas siyang gay lover ni Dennis Trillo sa My Husband’s Lover.

Ayon kay Rodjun, hindi na lang daw niya iniintindi or dedma na lang sa mga natatanggap na proposal sa pangamba na kapag sinagot pa raw niya ang mga ito ay baka sabihing bastos pa siya or nag-iinarte.

“Minsan kasi, nakagugulat ang mga offer nila sa akin. Hindi kapani-paniwala. Kaya dedma na lang ako. Ganyan naman talaga sa showbiz, eh. ‘Yung ibang mga kakilala ko, nakatatanggap din sila at dedma na rin sila,” say ni Rodjun.

Nagpapasalamat si Rodjun sa pagtitiwalang ibinibigay sa kanya ng GMA 7, pagkatapos isama siya sa Bekiserye nina Dennis at Tom Rodriquez ay nagkasunud-sunod na ang project niya sa Kapuso Network.

Ngayon ay kasama si Rodjun sa Ang Dalawang Mrs. Real sa role na kapatid ni Dingdong Dantes.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Related Post

loading...

One thought on “Rodjun Cruz, madalas makatanggap ng indecent proposal sa mga bading

  1. Pingback: Rodjun Cruz, madalas makatanggap ng indecent proposal sa mga bading - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.