Rodjun Cruz: It’s Big Brother’s Time to Shine!

NAG-UMPISA BILANG child star si Rodjun Cruz bago napasabak sa all-male teen dance group na ‘Anim-E’ ng ASAP. Kasama niya rito ang kapwa Star Magic teen heartthrobs na sina John Wayne Sace, Emman Abeleda, Sergio Garcia, Mhyco Aquino, Mico Aytonia at younger brother na si Rayver Cruz. Linggu-linggo silang gumigiling at nagpapakilig ng young fans sa nasabing Sunday-variety show at paminsan-minsa’y lumalabas ito bilang support sa ibang programang ng ABS-CBN.

Aminin na natin – mas sumikat bilang teen actor ang younger brother nito na si Rayver Cruz. Maganda ang naging daloy ng showbiz career nito dahil nakatambal niya ang ilan sa pinakasikat na talents ng Kapamilya Network tulad nina Maja Salvador, Shaina Magdayao, Bangs Garcia at ang rumored ex-girlfriend na si Sarah Geronimo. Lalo pang umingay ang pangalan nito nang maka-relasyon ang ever-controversial na si Cristine Reyes.

Hindi naman talaga nawala sa showbiz si Rodjun. ‘Ika nga, slowly but surely ang tinatahak niya. Mukhang naging satisfied ito sa pagiging ‘one of those’ lang sa poder ng Dos. Kamakailan ay tumanggap ito ng ilang proyekto sa TV5. Walang pakundangan din itong nag-pose ng sexy sa iba’t ibang magazine. In fairness, ang hot at napaka-sexy naman talaga nitong si Kuya Rodjun! Ang suwerte ng kanyang longtime-girlfriend na si Dianne Medina, ha? Extra rice pa nga!

Naaliw kami nang mapanood namin ang trailer ng bagong romantic-comedy gay film na I Luv U, Pare Ko. Ka-loveteam niya rito ang equally poging si Rocco Nacino ng GMA-7. Yes, loveteam ang dalawang hunks dito! S’yempre, si Papa Rodjun ang ‘leading man’. Sa trailer pa lang, paniguradong natatakam na ang mga kafatid natin sa exposure ni Rodjun dito. May eksena pa nga ito habang naliligo! Weee! Palabas na ang pelikula ngayong Pebrero. Ito ang magsisilbing debut film ni Rodjun bilang isang leading man sa pelikula. Magtuluy-tuloy na kaya? Let’s all hope so! Oras na rin para kay Rodjun naman naka-focus ang spotlight!

Showbiz Blogster

by Mica Rodriguez

Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.