Rodjun Cruz, deadma kung mapagkamalang bading

NGAYONG PART na ng hit soap ng GMA-7 na My Husband’s Lover si Rodjun Cruz, hindi malayong ma-issue itong paminta (bisexual) o bading. Pero ayon sa aktor, wala raw problema kung ma-issue siyang bi or bading, dahil kilala naman daw niya ang kanyang sarili at alam naman daw ng mga taong malalapit sa kanya na lalaking-lalaki siya.

Tsika pa nga ng isa sa cast ng pelikulang Raketeros, nagpapasalamat nga siya sa GMA-7 dahil isinama siya sa said soap na sikat na sikat ‘di lang sa bansa kundi maging sa ibang bansa kung saan napapanood ito. Bukod pa raw sa sunud-sunod ang dating ng mga proyekto sa kanya.

Dagdag pa nito na wala pa siyang exclusive contract sa GMA-7 at per project pa lang muna katulad sa My Husband’s Lover. Pero sana raw ay magkasunud-sunod na ang paggawa niya ng teleserye dahil ang pag-arte raw talaga ang gusto nitong gawin.

Tsika pa nga ng bagong alaga na ito ni Leo Dominguez, natutuwa siya at maganda ang feedback sa kanya ng mga nakapanood na ng kanyang mga eksena sa MHL, kung saan ginagampanan niya ang role ni Martin na bagong boyfriend ni Eric na ginagampanan naman ni Dennis Trillo.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

One thought on “Rodjun Cruz, deadma kung mapagkamalang bading

  1. Noon pa man crush na kita…. lalo pa ngayon na kabilang ka na sa favorite kong My Husband’s Lover… Ang gandang exposure to para sayo.. Keep up the good work !!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.