Roderick Paulate, malungkot na sinalubong ang Bagong Taon

Roderink Paulate

NOONG huli kami nagkita ng actor-public servant ng Quezon City na si Kuya Dick or mas kilala as Councilor Roderick Paulate sa mga constituents ng Kyusi, nakaplano na magse-celebrate sila mag-pamilya ng New Year’s Eve sa bahay niya.

Ang original plan, iso-sorpresa ng mga kapatid niya at mga pamangkin kasama ang mga apo sa pamangkin si Kuya Dick sa isang Media Noche ng pamilya Paulate.

Magpa-potluck sila, may kanya-kanyang toka ng pagkain na dadalhin pero nang mabuking ni Kuya Dick ang plano, ang sorpresa at potluck ay nausyami at nagbago.

“Sabi ko sa kanila, huwag na nila ako i-surprise dahil nalaman ko na. Huwag na sila mag-abala sa potluck at ako na ang bahala. Yun na ang naging plano namin kaya magpapa-cater na lang ako,” kuwento ni Kuya Dick who is running for a higher seat sa local goverment ng Quezon City as Vice Mayor sa darating na May 2019 election.

Pero imbis maging masaya ang pagsalubong niya last night ng New Year 2019 ay isang malungkot na pangyayari sa buhay ni Kuya Dick ang naganap sa pagkamatay ng nakakatandang kapatid niya na si Ate Amelia Paulate-Angeles.

Sa kanyang Facebook account, isinulat ni Kuya Dick ang kanyang saloobin: ”Palam kapatid ko…Amelia Paulate-Angeles. Ginulat mo naman kami. Pero sige kahit masakit pahinga ka na.

“Ika mo nga, “ah ewan!”.  Honestly, di ko pa maintindihan ang bilis… pero I just have to trust the Lord and accept His divine plan and purpose. I still praise and honor Him. Musta na lang kay Papang, Mamang, Kuya, at Fred.

“God bless your soul, Mel. Rest in Peace. Mahal kita,” pagwawakas ng kanyang mensahe.

Sa January 3, Thursday pa malalaman ang detalye ng wake ng kapatid ni Kuya Dick.
 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

RK Villacorta

About the Author

has written 2687 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.