Rocket Missile ng NoKor, Posibleng Umabot sa ‘Pinas

AABOT SA Pilipinas ang rocket missile ng North Korea saka-ling pakawalan ito sa gitna ng tensyon sa Korean peninsula.

Base sa ulat ng CNN, ang missile na Scud D ng Pyongyang ay may kakayahang makaapekto hanggang sa layong 700 kilometro (km) habang ang isa pang missile na No-dong ay posibleng umabot sa 1,000 km, sakop ang Japan.

Ngunit ang Taepodong-Xmissile ay kayang umabot ng hanggang 4,000 km na siyang layo ng India, Central Asia at Pilipinas.

Aabot naman hanggang Alaska at Guam ang Taepodong-2 missile.

Habang kung pakakawalan ang Unha-3, posible itong u-mabot hanggang Amerika na sakop ng 10,000-km range nito.

Samantala, matagumpay naman na napakawalan ang Unha-3 noong Disyembre 2012 bagama’t hindi pa naman kumpirmado kung missile ang laman nito.

Nililinaw rin ng mga eks-perto na duda sila kung may ganitong missile capability ang North Korea.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.