Rochelle Pangilinan, nagkakandarapa kay Arthur Solinap?!

TUNAY NA ISANG natatanging ina ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas. Right after ng taping ni Ms. Ai sa morning show nila ni Ruffa Gutierrez na Ruffa and Ai last Monday, tumakbo agad siya sa ospital para ihatid ang kanyang bunsong anak at unica hija na si Sofia na nagkasakit ng pneumonia.

As of this writing, nakabantay nang husto si Ms. Ai-Ai sa kalagayan ng kanyang anak, kahit may balita kaming bumuti na ang nararamdaman ni Sofia. Mabuti na lang at hindi pa nagsisimula ng shooting si Ms. AiAi ng first at comeback movie ni ex-president Joseph Estrada sa Star Cinema. Or else, mangangarag tiyak ang Comedy Queen.

Excited na nga si Ms. Ai-Ai sa nalalapit na first shooting day nila ni Erap on July 22. Kaya hindi pa mai-disclosed kung ano ang kuwento, pati ang title ng movie.

“Ito ay napalaking pangyayari sa buhay ko at aking career kasi after a very long time, ngayon lang uli gagawa ng pelikula si dating Pangulong Estrada. It’s an honor na ako ‘yung napili niyang makasama sa pelikulang ito. Ang saya ko dahil maraming blessings ang dumarating sa akin.”

Looking forward naman si Ms. Ai-Ai sa kissing scene nila ni Erap sa movie.

“Nag-kiss na kami dati sa isang event, pero smack lang ‘yun. Ewan ko lang dito sa pelikulang gagawin namin kung may kissing scene, kung mas matindi ang gagawin namin. Ready naman ako kung sakali. Ang tanong, ready ba siya?” Sabay-tawa ni Ms. AiAi.

May playdate na sa October ang movie nila ni Erap. Pero bago ‘yun, mapapanood muna si Ms. AiAi sa May Bukas Pa.

“I pray na i-bless ni Bro ‘yung movie na gagawin namin ni Mr. Erap Estrada. Kaya pinili kong mag-guest sa May Bukas Pa para makapagdasal ako kay Bro na basbasan Niya ‘yung gagawin naming pelikula, nang bonggang bongga.”

HAPING-HAPPY NA ANG aura ni Rochelle Pangilinan nu’ng humarap siya sa presscon ng bago at 23rd season ng Daisy Syete na ChaCha Muchacha.

Unti-unti na kasing nakararaos si Rochelle sa mga responsibilidad niya sa kanyang pamilya. Natapos na ang bahay na ipinatayo niya para sa kanyang ina sa Malabon. Inabot daw ng mahigit P2 milyon ang bahay at lupa.

Una raw niyang nabili ang lupa, saka unti-unti ang pagpapatayo ng bahay. Kaya umabot ng limang taon bago natapos  gawin ang bahay. Nagkaroon din ng delay sa pagpapatayo ng bahay dahil iyon sa pagkakasakit ng kanyang ama na namatay na two years ago.

Nakapangalan daw ang titulo ng bahay at lupa sa kanyang ina. Habang si Rochelle naman, nangungupahan naman sa isang condominium sa Kyusi. Ang plano niya ngayon, makapagpatayo rin ng sarili niyang bahay sa bandang Kyusi. Kahit daw hindi kalakihan, dahil ayaw naman niya ‘yung aalog-alog siyang mag-isa sa bahay.

Hindi naman napigilan ni Rochelle ang maluha nu’ng pag-usapan na ang tungkol sa isang bagay na pinagsisihan niyang hindi nagawa. At ito ang ‘di man lang niya naabutang buhay ang kanyang ama bago namatay. Hanggang ngayon, nagi-guilty pa rin si Rochelle sa kanyang tatay dahil three days bago ito mamatay, hindi man lang sila nagkausap. Bising-busy raw kasi talaga siya that time.

Sa ngayon, may idini-date si Rochelle na may guest appearance sa Daisy Syete’s ChaCha Muchacha, si Arthur Solinap. Hindi sure si Rochelle kung ano talaga ang tunay na intensiyon sa kanya ni Arthur, pero nadulas siya nu’ng sabihin niya sa amin ang linyang ito, “Mag-aaksya ba naman ako ng panahon sa pakikipag-date kung hindi ko siya type?”‘Yun na.

Julie Ka!
by Julie Bonifacio

loading...

One thought on “Rochelle Pangilinan, nagkakandarapa kay Arthur Solinap?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.