Rochelle Pangilinan, itinangging nagli-live in na sila ng dyowa!

SA PMPC STARS for a Cause noong nakaraang linggo, nakorner namin ang aming kaibigang si Rochelle Pangilinan, at bungad na tanong namin sa kanya kung nagli-live in na nga ba sila ng kanyang boyfriend na si Arthur Solinap.

Nagulat naman ang former SexBomb singer and dancer at itinanggi niya ang tungkol dito. “Hindi po, hindi totoo ‘yan. Madalas lang ka-ming makitang magkasama dahil matagal-tagal na rin kami, at at home na at home na kami sa isa’t isa.”

Sa usapin naman kung balak na ba nilang magpakasal dahil nakikita naman namin ang kanilang sobrang pagmamahalan sa isa’t isa.

“Pinag-uusapan naman namin minsan pero hindi pa sa ngayon. Marami pa kaming balak gawin sa buhay, at alam mo naming breadwinner ako, kaya kayod muna kami at mapag-ipunan namin ang future.”

Goodluck na lang mare!

 

ISA KAMI SA mga nakasubaybay sa karera ni Edgar Allan Guzman, kaya kahit papa’no ay alam naming isang malaking pagsubok at hamon para sa kanyang karera ang pagdating ng indie film na Ligo na U, Lapit na Me. Palagi kasi naming tinatanong sa kanya kung hindi ba siya nababagalan sa takbo ng kanyang karera.

“Siyempre Masaya. Sabi ko sa ‘yo naghihintay lang naman ako ng tamang panahon, and big break para sa akin at ito na nga po ‘yun, nangyari na nga. Kumbaga, sunud-sunod naman, sunud-sunod ‘yung mga break at nagpapasalamat ako dahil napansin ng mga tao ‘yung pag-arte ko du’n sa Ligo na U, Lapit na Me, kaya nakakatuwa at nakaka-proud sa sarili ko.”

Masaya rin si Edgar na nagbunga ang kanyang pagpapakita ng laman sa nasabing pelikula dahil kinuha siya ng Regal at ng Star Cinema.

“Pangarap talaga ‘yun, pangarap na natupad, sobrang thankful ako kay Mother Lily Monteverde. Nanood kasi siya nong movie eh, at napansin niyang ‘yung mga mata ko nga raw may sinasabi, parang nangungusap. So ayun, very thankful talaga ako sa kanya na binigyan niya ako ng chance na maging part ng Regal at maging isang Regal baby. Kay Miss Roselle (Monteverde) thankful din ako, kasi siya po talaga ‘yung nag-ayos ng lahat.

“Sa Star Cinema naman, si Direk Cathy Garcia-Molina naman ang nakipag-usap kay Sir Noel (Ferrer, Edgar’s manager) kasi nanood din si Direk nu’ng Ligo na U. Nu’ng nagkaroon siya ng episode sa MMK (Maalaala Mo Kaya), kinuha niya ako kasama ko si Kim Chiu, tapos naging maganda rin ‘yung resulta and natuwa naman si Direk, kaya nu’ng may gagawin naman siyang pelikula, kinausap din ni Direk si Sir Noel kung puwede ako sa pelikula ni John Lloyd Cruz at Angel Locsin, so nalaman ko lang last week na confirmed na talagang kasama ako. So nakakatuwa, kasi pinahiram din ako ng Regal sa Star Cinema na makasama sa pelikulang ‘yun. Eh, sino ba ‘yung mga bida sa pelikulang ‘yun, si John Lloyd Cruz, eh lagi kong sinasabi sa mga interview at sa mga presscon na idol ko talaga siya. At ito na nga, isa-isa ko nang nakakasama ang mga idol ko sa showbiz, nakakatrabaho, so sobrang saya talaga. Nakakalula, hanggang ngayon lutang pa rin ako sa mga blessings na dumarating.”

 

BLIND ITEM: KINSA siya? Sino itong personalidad na ito na napansin ng aming spy na nagtatanong raw kung saan may bukas na sanglaan sa isang lugar sa QC kahit medaling-araw na?

Tsika pa niya sa amin, “Ateng, naloka ako, kasi pumarada ‘yung kotse niya sa harapan namin at nagtanong, may bukas bang sanglaan dito? Ang ikinaloka namin, madaling-araw na Ateng, at ‘di ba kilala sa ganu’ng kalakaran ‘yung personalidad na ‘yun.”

Ang sa amin naman, hindi naman masamang magsangla, pero ang nakakaloka, alanganing oras ito. Hay naku, ‘di pa rin talaga pala nagbago ang taong ito. Wala pong clue. Ayoko!

 

Twitter: @arnielcserato; Facebook: heavenscents2002@yahoo.com; e-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

2 thoughts on “Rochelle Pangilinan, itinangging nagli-live in na sila ng dyowa!

Leave a Reply

Your email address will not be published.