Rochelle Pangilinan, gustong sumabay sa kasal ni Marian Rivera

Rochelle-PangilinanNASALUBONG NAMIN si Rochelle Pangilinan sa labas ng studio ng Sunday All Star ng GMA-7 habang siya ay nagpapahinga at nagpapahangin sa labas. Hiningi namin ang kanyang reaksiyon tungkol sa muling pagbabalikan at planong pagpapakasal ng dati niyang kasamahan sa Sexbomb na si Jopay Paguia kay Joshua Zamora.

Habang si Rochelle naman daw ay lagi ang pakikipagtsikahan kay Marian Rivera sa taping ng teleseryeng Carmela” tungkol sa mga karelasyon nilang magpinsan na sina Dingdong Dantes at Arthur Solinap. May kinalaman na rin ba ‘yon sa planong pagpapakasal?

“Ang sarap at ang saya siguro kung sabay-sabay kaming magpapakasal nina Marian, ‘di ba? Kasi, magpinsan ang mga mahal namin. Kaya lang, ‘di ba’t sukob ang tawag doon? Kaya kung ganu’n, eh, mauna na lang muna siguro sina Marian at Dingdong, tsaka na lang halimbawa sa susunod na tao, ‘yung kung kami naman ni Art ang magpapakasal,” wika ni Rochelle.

“Kung magpapakasal na sina Jopay at Joshua, sa totoo lang, sobrang happy ako para sa kanilang dalawa. ‘Yung kung kami naman ni Art ang magpapakasal, sa ngayon kasi, ang masasabi ko lang ay sobra kaming happy sa aming relasyon. Pero kung sa kasal na nga rin kami mapupunta, eh, okey lang naman dahil nasa mga tamang edad na kami,” dugtong pa ni Rochelle.

ChorBA!
by Melchor Bautista

loading...

One thought on “Rochelle Pangilinan, gustong sumabay sa kasal ni Marian Rivera

  1. ang kapal naman nitong si rochelle ‘na pangmahirap lang dapat ang role at hindi mukhang mayaman’ pangilinan, huh! bakit kailangan pang makisabay kay marianita? gusto lang yatang makalibre hahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.