Rochelle Pangilinan Doesn’t Want To Be Associated With Sexbomb Girls Anymore

GAANO KATOTOO NA after umalis sa grupong Sexbomb ni  Rochelle  Pa-ngilinan, balitang umalis na rin ito sa panganga-laga ng Focus E na pag aari ni Joy Cancio?

Ang isa sa mga dahilan daw ng pag alis ni Rochelle sa poder ng manager ay ang pag-ober da bakod ni Joy sa Dos kunsaan ito ang head choreographer sa noontime variety show na Happy Yipee Yehey. Napapanood na rin dito ang ibang miyembro ng SexBomb after tanggalin sa katapat nito na Eat Bulaga.

Tatlo ang regular shows ni Rochelle sa Kapuso, ang Show Me Da Manny, Party Pilipinas at  ang epicserye na Amaya. Ayaw raw nitong isipin ng mga tao na lilipat na rin siya sa Dos. Malabo daw ‘yon dahil masaya siya sa pa-ngangalaga sa kanya ng GMA -7.

Maayos naman daw ang na-ging paghihiwalay nina Rochelle at Joy, kaya kahit wala na siya dito ay mananatili pa rin ang kanilang magandang samahan. Kung ilang taon din naman siyang inaruga nito. Well, aalamin natin ‘yan kay Joy.

BONGGA ANG ILANG shows ng GMA-7 sa Canada dahil talaga namang tinututukan ng mga kababayan natin ang mga ito. Kahit ang mga nakapag-asawa ng ibang lahi, sinasabing maging ang kanilang mga asawang banyaga ay nanonood at enjoy sa palabas ng Siyete.

Isa sa tinututukan nila roon ay ang Tween Hearts na click na click naman sa mga kabataan dito sa ‘Pinas,  gusto nga nilang mapanood ng live via a concert ang young stars na napapanood sa said show, like Bea Binene, Jake Vargas, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Hiro Magalona at Derrick Monasterio.

Panalo din ang mga primetime shows na Dwarfina, I Heart You Pare, at inaabangan na rin ang paglipad muli ni Captain Barbell at ang pakikipagsapalaran ni Amaya. Kaya naman panalung-panalo ang mga shows ng Kapuso sa Canada. Kabog!

SPEAKING OF TWEEN Hearts, balitang masyadong nagkakahulugan na ng loob at nagiging makatotohanan na ang pagiging sweet sa isa’t  isa nina  Joyce  Ching at Kristoffer Martin.

Bukod daw sa pareho ang kanilang relo, pareho na rin daw ang kanilang mga unan. Kahit daw sa taping ay marami na ang nakakapuna sa sobrang closeness at pag-aalaga ng mga ito sa isa’t isa.

At kahit daw sa kani-kanilang Facebook, super sweet na mga mensahe ang ipinapadala ng mga ito sa isa’t isa. Kaya naman daw kapag magkaeksena sila, hindi maiwasang kiligin ang staff at mga taong nakakapanood sa kanila. ‘Yun na!

BLIND ITEM: MUKHANG madly in love ang dating sikat na aktres na may mga anak at hiwalay na sa kanyang asawa sa kanyang guwapo at batambatang papa na kalahati lang ng kanyang edad. Tsika ng isang  taxi  driver  na  aming nasakyan, naisakay nito ang nasabing aktres at dyowa nito na batambata nga at nagpahatid sa bahay ni boylets.

Hindi raw nahihiya ang aktres na makipaglambutsingan sa loob ng taxi, pero halata namang naasiwa raw ang dyowa nito. At mukhang nahihiya pa raw sa driver, kaya panay ang iwas nito everytime na naglalambing ang aktres .

Dagdag ng mamang driver, nang makarating na sila sa house ng bagets, mabilis itong bumaba ng taxi at diretsong pumasok sa kanyang bahay. Iniwan ang aktres sa taxi. Sa sobrang tagal daw bumalik ng bagets, nakipagkuwentuhan muna ang aktres sa driver, pati raw ang nakaraan nitong mga relasyon ay naikuwento rito.

Umabot daw ng isang oras ang kuwentuhan nila ng aktres at naikuwento na yata ang life story nito sa driver. Bumalik ang bagets at tumuloy na sila sa pad ng aktres. Kapit-tuko raw ito kanyang guwapitong papa.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

6 thoughts on “Rochelle Pangilinan Doesn’t Want To Be Associated With Sexbomb Girls Anymore

  1. kung di kasi nila pinagmalakihan ang eat bulaga e di sana sikat pa rin sila hanggang ngayokung di naman sa bulaga di naman makikilala ang sexbomb di ba!!!?anong sey mo joy!!!?

  2. ay bakit sikat ba yang dacer/starlet na una ngipin bago nguso???? keber as if ang laki nyang artista ha mga kapusakalye tlaga ambisyosa.

    adik ba tong bakalng writer na to kung sino sino source??? nagyon isnag taksi driver kuno??? wow worthy isulat sa tabloid ang kwentong taxi driver hahahahaha yung iabgn writers dito walang ka journalism ethics me maisulat lang para magkapaera kung anu anu lang ang ilalagay at kung kaninanino lang galing. pang baklang parlor lang tong writer na to tsismis ng kung sino sino lang pwe

  3. tama ka rochelle wag kang lilipat sa dos bibigyan ka ng isang telesere tapos maghihintay ka ng 2 yrs.hanggang 3yrs.bago maulit kc nga madaming artista ang dos masyadong suwapang kahit wla ng carrer tinatambak pa ayaw palipatin hahahaha

  4. Weee…..blind item kuno…neknek mu…cnu naman ba ang taxi driver na yan at may koneksyon yata sa iyo. Taxi ka cguro no as in TAXIL….baklang ito…

Leave a Reply

Your email address will not be published.