Guesswhodoes: Rochelle Pangilinan does the “pagbabaton”

Malayo na ang nararating ng career ng naturingang leader ng SexBomb na si Rochelle Pangilinan. Infernezz, hindi lang pala pagsasayaw ang kering gawin ng ating bida. Pati pag-arte at pagkanta’y sinabak na rin niya.

Pero knows n’yo ba mga kaparazzi na pagsasayaw talaga ang pinakamalapit sa puso nitong si Rochelle? Sa edad kase na 14, nagsimula na itong magsayaw sa Eat Bulaga, hanggang sa mabuo nga ang all-female dance group na SexBomb dancers na mahilig mag-get-get-aw sa nasabing noontime variety show.

First love talaga ni Rochelle ang dancing kaya naman lahat ng raket basta makapagsayaw lang siya, aba’y go, go, go ang lola n’yo. Nang maispatan nga siya ng ating parazzi photog na sumama sa sagala, aba’y enjoy na enjoy ang ating bida. Syempre naman, band majorette ang byuti ng lola. Pero ilag ng konti mga prends, baka mabato kayo ni Rochelle ng mahiwagang baton. Ooops!

Ni: Jean Oli
Photos by: Luz Candaba

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.