Rochelle and Aifa from Sexbomb, cause ruckus in Boracay?


NAPASALI SA ISANG basag-ulo sa Boracay ang mga Sexbomb na sina Rochelle Pangilinan at Aifha, kung saan nila ginugol ang kanilang Semana Santa last week.

May ilang non-showbiz friends ding kasama sa nasabing lugar ang dalawa. At nu’ng hapon ng April 9 nga, Huwebes Santo, nasa tabing-dagat ang dalawa kasama ang kaibigan nilang si Michelle Villanueva at nagpapatugtog lang daw sila using an iPOD speaker. Bigla raw may lalaking lumapit sa kanila at sarcastic ang pagkakasabing patigilin ang musikang pinapakinggan nila or else eh, umalis na lang sila. Nagpakilala ang lalaki na siya ang may-ari ng Crystal Sand kung saan tumutuloy sina Rochelle. Tinanong pa raw nila ang lalaki kung puwedeng hinaan na lang nila ang music, pero sumagot ito ng ‘no!’ Para nga walang isyu, pinatay ang music.

Tinanong nina Aifha kung may-ari nga ba ng Crystal Sand ang sumita sa kanila at sinabi ng isang staff sa nasabing resort na hindi. At wala naman daw tigil ng kamumura ang lalaki sa kanila. Kaya napikon ang kasama nilang si Mitch at tinanong ang lalaki kung bakla ba ito at talak ng talak.

Akala ng lalaki, si Aifha ang nagtanong. At ihahampas na sana kay Aifha ang hawak biyang bote ng mineral water. At nang sabihin ni Mitch na siya ang nagtatanong, siya ang binalingan ng lalaki para sugurin kaya inunahan siya ni Mitch at hinampas ng hawak nitong baso. Kaya, nagkagulo. Pero dahil celebrities ang mga nasangkot, natural na sa kanila natuon ang pansin.

Diumano, may banta pa raw ang lalaki sa mga babae na baka ‘di nila alam kung sino ang binangga nila. Kaya sa presinto sila humantong. At si Mitch na ang nagklaro sa pangalan ng dalawang Sexbomb na hindi ang mga ito ang nag-umpisa ng gulo sa nasabing resort.

Nagpunta raw sila ng Boracay para makapag-unwind mula sa hectic na namang taping ng 22nd season ng Daisy Siete na Kambalilong na sa Vigan, Ilocos Sur nila kinunan. Ito nga lang daw ang time nila para makapagpahinga. Sinira pa ng nasabing insidente.

Wala na raw naman sanang isyu kundi lang nagmura ang lalaking ‘yon.

BIGLA KAMING NAGKATSIKAHAN ni Gladys Guevarra sa Klownz-Quezon Ave. noong Miyerkules ng gabi, kung saan siya ang nag-primetime.

Ang sabi niya, ayaw na nga raw sana niya munang makipag-usap kahit na kanino at ang gusto niya eh, sumampa na lang sa entablado para mag-perform. Pero dahil marami siyang mga katsikang dinatnan, hindi naman nakapagpigil ang komedyanang buong akala namin eh, abala na sa pagiging domestikadang housewife niya sa Amerika.

Hindi naman itinago ni Gladys na oo, she’s been having anxiety attacks for a long while now at kahit naman nga nu’ng nasa US siya eh, nagpatingin na siya, pati ang dating boyfriend niyang si Phillip, sa isang psychiatrist.

At humantong na nga sa paghihiwalay ang relasyon nila, and doon maraming na-realize si Gladys. More than anything else now, what she wants to do eh, asikasuhin na muna ang sarili niya bago ang iba. May bago mang nagpapatibok ng kanyang puso, ang focus naman niya eh, para pa rin sa magiging kalagayan ng sarili niya. Sad lang si Gladys dahil now daw niya na-realize na mahirap pala talagang humanap ng kaibigan sa mundo niya. Dahil lahat daw nawala.

Bakit kaya?

The Pillar
by Pilar Mateo

loading...

7 thoughts on “Rochelle and Aifa from Sexbomb, cause ruckus in Boracay?

  1. hindi naman pala sila naka check in doon sa hotel na ginulo nila tapos nang away pa. hindi talaga marunong rumespeto ng ibang tao itong mga starlets na ito. no wonder!!!!!

    • wala naman sila sa loob ng hotel eh, nasa beach front po sila, at ang beach front ng Boracay ay hindi private, kundi public place; kaya may karapatan kahit sino na magpunta doon. eh ikaw, sa pinagsasabi mo, sa palagay mo, rumerespeto ka ba sa kapwa mo?????? buti nga ang sexbomb girls, kilala, eh ikaw, da who ka ba???? sikat ka ba?????

  2. grabe! napakaSQUATTER talaga! mga sexbomb squatter, pati mga kaibigan nyo. sana makulong kayo sa mga pinaggagawa nyo! nakakahiya kayo!

    • hoy ang yabang mo kung makapang-discriminate ng mga taga-squatter. ikaw isip-kriminal, mas nakakahiya ka!!!!!!! sigurado naman ako na mas may achievement ang mga sexbomb girls keysa sa iyo!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.