Rocco Nacino, todo paghahanda sa epic movie na pagbibidahan

MAMAYANG GABI na ang PMPC Star Awards For Movies na gaganapin sa Meralco Theater. Isa sa mga nominado ay si Rocco Nacino sa kategoryang New Movie Actor of the year.

“Masaya ako at thankful na na-appreciate ako ng PMPC Star Awards at ng Enpress,” aniya nang makakuwentuhan namin sa Party Pilipinas last Sunday. “Hopefully… sana manalo.”

Over-worked daw si Rocco Nacino nitong mga huling araw.  Three times a week siyang nagti-taping for The Good Daughter kung saan leading man siya ni Kylie Padilla.

Tatlong beses din isang linggo, nagti-training siya ng arnis ng pitong oras kada araw. Ito’y bilang preparasyon sa pagbibida niya sa isasapelikulang Ilocano epic na Lam-Ang. Tapos may rehearsal pa siya ng production number sa Party Pilipinas, kung saan regular din siyang napapanood every Sunday.

“Nakakapagod. Pero masaya ako na nagiging sobrang busy sa trabaho.”

Na-mention ni Rocco before na sa pagkakaalam niya, si Isabelle Daza ang unang kinunsidera para maging leading lady niya sa Lam-Ang. Hindi natuloy dahil hindi raw pumuwede ang dalaga.

Pero nang matanong naman namin si Isabelle a week ago about it… nagulat ang anak ng dating Miss Universe na si Gloria Diaz. Wala raw siyang alam tungkol sa nasabing project. Walang anumang offer daw or anything.

“A… talaga? Iyon kasi ang nasabi sa akin. From what I know, siya po talaga, eh. Ewan ko lang kung ano ang nangyari. Basta ang sabi… hindi raw siya pumuwede.”

Dahil do’n… nagkakaroon ng intriga na baka naman daw ayaw lang siyang makapareha nitong si Isabelle.

“Hindi naman. Kasi kung ayaw niya akong makasama sa trabaho, dapat ayaw niya akong kaibiganin. E… okey naman kami rito sa Party Pilipinas, e. Magkakilala naman kami. Nagkakausap kami minsan.”

Si Rochelle Pangilinan ang napili nang maging leading lady niya. Okey naman daw kay Rocco kahit sino ang maging kapareha niya.

“Dapat kasama ko nang nagti-training ng arnis si Rochelle. Pero hindi pa siya makapag-start kasi may conflict pa yata sa schedule niya. Supposed to be, March 31 na ang start ng shooting namin. Kaso na-moved siya to April 20. Kasi hindi pa tapos ‘yong construction ng set namin sa Ilocos, e,” sabi pa ni Rocco.

 

SI ROCHELLE Pangilinan, happy raw na siya nga ang napiling leading lady ni Rocco Nacino for Lam-Ang.  Kuwento nga niya… “Actually pinapunta ako roon ng manager ko. Para na ring audition. Akala ko kasi ‘yong direktor, titingnan lang ako. ‘Yon pala titingnan niya ako sa camera. Tapos ayon… arnis-arnis ako ro’n. Mabuti na lang may background ako dati sa arnis sa Daisy Siyete. So… nakatulong siya nang bonggang-bongga!”

Hindi pala alam ni Rochelle na si Isabelle Daza ang first choice sana para maging leading lady nga ni Rocco sa nasabing isa-sapelikulang Ilocano epic.

“Talaga? Well… at least, sa akin napunta. Thank you Lord! Ha-ha-ha-ha! ‘Di ba? Wala akong nasabi? Ha-ha-ha! At masaya ako kasi parang… wow! Ang ganda-ganda ni Isabelle, ‘di ba? Tapos ako ang naging kapalit niya.”

Excited daw siya na makatrabaho si Rocco.

“Lagi ko siyang kasama sa sayawan sa Sayaw Pilipinas. Pero ngayon sa isang ganitong project gaya ng Lam-Ang… first time. Hindi pa po nakakarating sa akin ‘yong script. Pero narinig ko… Tagalog na Tagalog daw ‘yong mga lines. At ang pinakaaabangan ko siguro ay ‘yong fight scenes ko rito. Kasi gustung-gusto ko iyon, e. Magti-training ako ng arnis. So, ako, okey na ako ro’n. Inihanda ko na ang sarili ko. TThS (Tuesday, Thursday, and Saturday) ang shooting namin. Nagpaalam lang kami sa Broken Vow (afternoon series sa GMA) para ma-adjust ‘yong taping schedule ko. Thankful ako na may trabaho ako hanggang sa mag-birthday ako sa May. Sabi nga sa akin ni Direk Mac Alejandre, mas maganda na naiinitan kang nagtatrabaho sa set kesa nasa malamig kang kuwarto natutulog na tengga ang buhay mo.”

Tama!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

6 thoughts on “Rocco Nacino, todo paghahanda sa epic movie na pagbibidahan

  1. marami pang bigas na kakainin ang rocco na toh, at pwede ba rocco, babaan mo naman ang kayabangan mo, mula pa sa starstruck hanggang sa naging regular artista ka na, nakikitaan ka ng aura ng kayabangan mo, kung ganyan at ganyan ang ugali mo, hindi ka aangat sa showbiz! 

  2. Naku, wala to langaw na naman. Rochelle Pangilinan as leading lady?? Wala bang iba?? Sino naman manonood nito?? Malamang sila Dingdong at yung ibang mga baklang parlor dito. Magsayaw ka na lang day. Kaya walang nangyayari sa mga palabas at pelikula ng GMA eh, kung sino sino lang ang kinukuhang leading lady. Pano kayo mananalo nyan sa ABS? Di ako magtataka kung isang araw kapantay nyo na lang sa ratings eh PTV 4.

Leave a Reply

Your email address will not be published.