Rocco Nacino, sweet daw sabi ni Lovi Poe

Lovi-Poe-Rocco-NacinoSA EROPLANO inabutan ng kanyang birthday si Lovi Poe. She was on her flight pabalik ng Pilipinas galing Poland kung saan dumalo siya sa kasal ng kanyang uncle together with her mom and sister.

Bandang 11 pm nang dumating siya. Nagulat daw nga si Lovi na si Rocco ang sumundo sa kanya na may sorpresang gift pagsakay niya ng kotse.

“When I got home, may ginawa nga sa akin na surprise… na parang gathering… si Rocco with my closest friends.”

Ano ‘yong birthday gift na ibinigay sa kanya ni Rocco no’ng pagsundo pa lang sa kanya nito sa airport?

“I got this parang specially made couch sa car ko. Para komportable daw ako sa taping. Puwede siyang gawing bed. Of course na-surprise ako na pagsundo niya sa akin sa airport, I saw it.”

Hindi raw inakala ni Lovi na pagdating niya sa bahay niya, may another surprise para sa kanya si Rocco. Isang maliit na party kung saan nando’n din nga ang ilang malalapit niyang kaibigan.

“Sweet!” nangiting sabi pa niya.

Nitong nakaraang Valentine’s Day, sa isang restaurant naman siya dinala ni Rocco. Dalawa lang silang magkasama.

“We had a simple dinner lang. And… happy naman.”

Nasaang stage na nga ba ngayon ang status ng relasyon nila?

“It’s still ano… I don’t wanna say anything about it yet. Parang it’s good enough that we’re getting along so well muna. Nothing ano pa… we’re not yet like… kumbaga nasa ligawan stage pa lang kami.”

Ano ba ang nakahahadlang para officially ay maging sila na nga? Ano pa ang kulang sa mga ginagawa ni Rocco para sagutin na niya ito?

“Well… Rocco is really sweet. And I’m very thankful na very maalaga siya. He’s very funny. He makes me laugh all the time. Which is good!” tawa na naman niya. “I feel so much better when someone is there trying to make me laugh.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Rocco Nacino, sweet daw sabi ni Lovi Poe

    • at least si Lovi sa lalaki totoong nagkakagusto, eh itong si Roca kaya, ginagamit pa si Lovi, lalaki rin naman ang totoong desire. pa-mhin-ta masyado iyang si Roca…

Leave a Reply

Your email address will not be published.