ROCCO NACINO and SANYA LOPEZ: The Touch of Romantic Love!

Rocco Nacino and Sanya Lopez

ROCCO NACINO

Real Name: Enrico Raphael Quiogue Nacino
Birthdate: March 21, 1987
Zodiac Sign: Aries
Symbol: The Ram

SANYA LOPEZ

Real Name: Shaira Lenn Osuna Roberto
Birthdate: August 9, 1996
Zodiac Sign: Leo
Symbol: The Lion

KINILIG
ang makabagong henerasyon ng Encantadiks last year sa upgraded version ng Encantadia. Kung 10 years ago ay kinilig ang mga viewers sa pag-iibigan nina Aquil at Danaya (played by Alfred Vargas and Diana Zubiri), hindi naman na-disappoint ang mga followers ng tambalan dahil napantayan din ito nina Rocco Nacino at Sanya Lopez.

Dahil sa matagumpay nilang pagpapakilig, ginawaran sila ng GMA-7 ng sarili nilang soap opera via Haplos, na mapapanood tuwing hapon. Dito ay ipinapamalas ng dalawa ang kanilang lambingang pang-lovers talaga.

Lately ay in-announce ni Rocco na over na siya sa ex-girlfriend na si Lovi Poe. Wala naman nababalitang ibang lalaki na umaaligid kay Sanya. Hmmm… ibig bang sabihin nito ay nahanap na nila ang forever sa isa’t isa?

Parehong energetic ang Aries at Leo. Sa katunayan nga, gustung-gusto nilang maramdaman na malaya nilang mapu-pursue ang kanilang passion, whether that is in personal or creative side. Hindi masyadong nakikialam ang Aries sa nais gawin ng kapares, habang very supportive naman ang Leo. Wala namang masyadong compatibility problems ang dalawa, maliban na lang sa pagpo-project ng kanilang image sa public. Ang Aries ay walang paki sa iisipin ng iba, samantalang sobrang maingat naman ang Leo at lagi nitong iisipin ang sasabihin ng ibang tao.

Kailangan din nilang makinig sa opinyon ng kinakasama. Maliban sa very minimal glitches na ito, wala namang masyadong major problems na mae-encounter ang Aries at Leo. Bibilib ang Leo sa drive and determination ng Aries. Sa kabilang banda, mahuhulog ang Aries sa natural charisma at sincerity ng Leo. Pareho silang mahilig mag-party and they want to live life in the fullest. Medyo kailangan lang nilang mag-ingat pagdating sa usaping pera dahil pareho silang walang kontrol sa paggastos, huh!

One of the best matches sa zodiac ang Aries man and Leo woman. Nag-uumapaw ang chemistry at pareho nilang mae-enjoy ang spotlight kapag kapiling nila ang isa’t isa. Gagawa ng paraan ang Aries man para masorpresa at kiligin nang bongga ang Lioness girlfriend. In turn ay bonggang ka-sweetan naman ang ipararamdam nito. Magiging open din ang dalawa sa feelings nila at walang ilangang magaganap. What you see is what you get. Hindi ba’t ganito ang love match na mahirap ma-forget?!

Ayun, eh! Konting push at haplos pa at mapapa-I love you na siguro sina Rocco at Sanya sa isa’t isa – for reel to real! Pak!

 

Pares-Pares

By Madam Damin

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.