Rocco Nacino, puring-puri nina LT at Direk Joel Lamangan!

SA STARTALK ko lang nalaman na dalawang buwang buntis na pala itong si Chariz Solomon.

Matagal nang gusto ng sexy comedienne na magka-baby sila ng asawa niya, pero hindi naman sila nagmamadali dahil nu’ng nakaraang taon lang naman sila ikinasal.

Parang timing lang itong pagbubuntis ni Chariz dahil magtatapos naman siya sa soap na ginagawa niya, ang Unforgettable, pero kaya pa raw niyang rumaket dahil hindi pa halata ang tiyan niya.

Nakakatuwa nga siya na kinuwento sa Startalk na nakapag-two piece pa siya nang mag-guest ito sa summer special ng Bubble Gang.

Pero ngayon daw ay maingat na siya at talagang sinusunod daw niya lahat na payo, pati mga kasabihan ng mga matatanda kung ano ang mga iiwasan mo kapag buntis ka.

Ang gusto lang daw niya, safe ang pagbubuntis niya at healthy ang magi-ging baby niya.

Ang isa pang Starstruck survivor na nagpakasal na rin ay itong is Gian Carlos.

Siya ‘yung nakabuntis kay Eda Nolan, pero naghiwalay na silang dalawa at ngayon ay nakipagrelasyon siya sa kanyang non-showbiz girlfriend na taga-General Santos City.

Hindi na gaanong active ngayon si Gian sa showbiz, pero kung naalala n’yo sa Starstruck noon na kasabayan ni Jackie Rice, siya ‘yung may sakit na Hemophilia na akala nga namin hindi na siya magtatagal, pero heto ka’t mag-aasawa na nga siya.

Ito dapat ang isa sa mga kuwento namin nu’ng nakaraang Sabado, pero kinulang sa oras, kaya aba-ngan n’yo na lang sa susunod na Sabado.

Tingnan n’yo na rin pala kung magkukuwento na si Yasmien Kurdi tungkol sa pagpapabinyang sa anak niya.

Tahimik lang siya kasi ngayon, pero alam ko natuloy ang binyagan. Hindi nga lang ito nasipot ng mga kasabayan niya sa Starstruck na sina Mark Herras, Jennylyn Mercado at pati si Sheena Halili.

May taping kasi silang lahat kaya hindi na sila nakarating.

Pero mabuting abangan na lang ang kuwento ni Yasmien tungkol diyan, kung puwede na, ha? Kasi hindi pa rin yata alam ng Mommy niya.

Abangan n’yo na lang.

 

PRODUKTO NG Starstruck din pala si Rocco Nacino na gaganap bilang Jonas Burgos na anak ni Mrs. Edita Burgos na gagampanan naman ni Lorna Tolentino.

Nagsimula na silang mag-shooting nu’ng nakaraang linggo at nakita n’yo na nga na nagpagupit pa si Lorna para mahabol ang itsura ni Mrs. Burgos. In fairness naging kamukha na nga niya.

Ang isa pang  parang totoo na ang pagkaganap ay si Rocco dahil parang kamukha na rin nito si Jonas Burgos pagkatapos siyang lagyan ng goatee.

Sa first shooting day nila, si Rocco ang napansin nang husto dahil puring-puri siya nina Lorna at Direk Joel Lamangan.

Sabi ni Lorna, magaling daw umarte si Rocco sa mata kaya na-ging effective daw ang pagkaganap nito.

Nakitaan na nga raw nila na magiging maga-ling na aktor si Rocco kaya tamang-tama lang na naipakita niya ito sa Burgos.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Rocco Nacino, puring-puri nina LT at Direk Joel Lamangan!

  1. napapansin ko lang puro mga kanguso na lang ang topic nintong si madam lolit solis pwede bang bawas -bawasan naman please… sawang -sawa na ako sa mga kanguso artist especially yung mga starlets at d who haha! mukha kasing harbat itong matandang ito eh, kaya kung sino -sino na lang ang sinusulat sa walang kasusta-sustansya nyang column haha!

Leave a Reply

Your email address will not be published.