Rocco Nacino, naudlot kay Lovi Poe!

Naudlot nang tuluyan ang pagpapalabas ng episode sa Love Bug na pinagtatambalan nina Rocco Nacino at Lovi Poe. Natigil din ang usap-usapan hinggil sa nabubuong closeness na ng dalawa. Kaya nang makita namin ang baguhang aktor na produkto ng Startruck V nang mag-guest ito sa Showbiz Central, iyon ang naitanong namin sa kanya.

“It’s set to be aired on November,” ani Rocco. “Kasi, nasa plano raw talaga ng network na unahin muna ‘yong sa kanila ni Mark Anthony (Fernandez). Tapos nagkaroon ng desisyon na ‘yong sa amin na lang daw muna ni Lovi. Then biglang ‘yong kina Lovi at Mark na ulit ang nai-decide na unahing ipalabas.”

Napabalitang special request daw kasi nitong si Mark na maitambal sa kanya si Lovi. Na kaagad naman daw pinagbigyan nga ng pamunuan ng GMA-7. At dahil do’n, tila biglang na-bump-off ang ang episode nila ni Lovi sa Love Bug na sabi’y mas naunang nai-tape kesa sa episode na ginawa ng aktres with Mark.

Hindi sumama ang loob niya kay Mark dahil sa nangyari? Dahil parang na-preempt nito ang tambalan nila ni Lovi?

“Hindi. Actually, recently lang, nag-basketball ako na kasama ko si Mark Anthony. So okey naman kami. Hindi big deal sa akin kung mauna mang maipalabas ‘yong episode nila ni Lovi sa Love Bug.”

Si Lovi, nakadalawang-balik na sa Hong Kong at todo-suporta sa rumored boyfriend nitong si Cong. Ronald Singson na nahaharap doon sa kasong illegal possession of drugs. Makaapekto kaya ito sa ginu-groom sanang tambalan nilang dalawa?

“I don’t know. Pero sa tingin ko, hindi naman makakaapekto ‘yon. And I think ‘yong na-established nang magandang relationship at friendship namin, gano’n pa rin. Kumbaga, what we have, imi-maintain na lang namin.”

Ganyan?

SEPTEMBER 12 ANG birthday ni Akihiro Sato. Kahit ayaw niyang mag-celebrate, nagkaroon siya ng maliit at simpleng party lang for his closest friends which was held at the Republic Bar sa Resorts World last Saturday, September 11.

Ang gusto raw kasi talaga ni Akihiro, ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang charitable activity.  At ang napili niya, magkaroon ng isang feeding program this Friday, September 17 sa isang pampublikong elementary school sa Quezon City.

Mahilig daw kasi sa mga bata talaga si Akihiro. And he wanted to share kung anuman ang natatanggap niyang blessings ngayon sa mga mag-aaral ng isang public school ngang napili niyang puntahan.

Mukhang okay na ulit si Akihiro after ng minor operation niya sa paa na namaga due to insect bites na nakuha niya nang sumali sa celebrity edition ng Survivor Philippines. Sa katunayan, excited na nga siya sa gagawing fun run ng ini-endorse niyang Blue Water Day Spa on October 17 sa SM Mall of Asia kung saan kasama niya sina Sam Milby, Daniel Matsunaga, Fabio Ide, at iba pang celebrities. Layunin daw ng event na ito na maka-create ng people’s awareness regarding wellness and good health. Anything daw na for a good cause, laging on the go si Akihiro.

Ganyan?

AMINADO SI GLAIZA de Castro, may pressure siyang nararamdaman ngayong bida na siya sa bagong fantasy series ng GMA-7 na Grazilda. Pero ayaw umano niyang isipin ang tungkol dito. Sa halip, gusto umano niyang i-enjoy ang gano’ng magandang opportunity na finally ay napasakamay na nga niya.

“Kapag inisip mo kasi ‘yong pressure, baka hindi magawa nang maayos ‘yong trabaho mo,” aniya nga. “Lalo pa, mahirap gumawa ng fantasy series. Sa costume at make up pa lang, one hour na bago magawa. Tapos hindi biro ‘yong may scenes na naka-chroma ka, o ‘di kaya eh ‘yong may mga visual effects pang kailangan, at saka ‘yong mga locations namin na malalayo.”

Kahit sinasabi ni Glaiza na mas dedma muna raw siya ngayon sa lovelife para higit na makapag-focus sa kanyang career, tuloy pa rin ang pagkaka-link niya kay Felix Rocco, isa sa kambal na anak ni Bembol Rocco.

“Dahil siguro matagal ko nang kakilala ‘yong tao. At matagal ko na rin siyang friend. And since alam naman natin na si Max (Maxene Magalona) na kaibigan ko, madalas ding nakikita together with Dominic na kakambal ni Felix. So, kapag nakikita kami together, iniisip ng iba na kami na. Pero wala. Ni hindi siya nanliligaw sa akin.”

Ano na nga pala ang nangyari sa panliligaw ni Patrick Garcia sa kanya noon?

“Wala na akong balita sa kanya, eh. Matagal na ‘yon. Wala na.”

Dati, lagi pang sinasabi ni Patrick na seryoso nga raw ang aktor sa panliligaw sa kanya. Binasted niya ito kaya walang kinahinatnan ang panunuyo nito sa kanya at hindi naging sila?

“Basta sabihin na lang nating wala na,” nangiting naisagot na lang ni Glaiza.

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

7 thoughts on “Rocco Nacino, naudlot kay Lovi Poe!

  1. kapapanood ko lng sa studio 23 sinungaling station. ang interview kay sm ipapatrace daw nila kng sinung nagkalat ng chismax sa kanilang dalawa ni jlc tungkol sa hosptal scandal kya lagfot nagklat non magmumulta daw ng 1000000000000 euro sabi ng tatay ng starmagic na si jmanahontas ang akin lng artista sila public figure kng bga bkit sila naiinis kng anuman ibig sbihin ng ibang tao ehhhhh ito pa nga ang nagpapasikatttttttt sa kanila eh at db ang propesyon nang artista pag chizzmzan ng mga chizmakers getzzzzzzzzzz un na.

  2. MASYADONG MARAMING PINOPORMAHAN SI ROCCO,SINO KAYA TOTOO,TINGIN KO SI ALJUR!!!ROCCO CAN’T BE A HUNK OR BIDA,MASYADONG MABABA 5 FT LANG YATA,PWEDE SUPPORT LANG .GMA NEEDS ANOTHER DINGDONG DANTES ,GWAPO AT MAY HEIGHT AT MAY KATAWAN.KAHIT ANONG GAWIN PAG PANDAK HINDI KAPANIPANIWALANG LEADING MAN.THAT’S MY OPINION.

Leave a Reply

Your email address will not be published.