Rocco Nacino, naudlot ang pagsusuot ng bahag!

KAHIT TAPOS na ang kanyang teleserye sa GMA, hindi pa rin daw mababakante si Rocco Nacino.

Kuwento niya sa amin, “Kaka-tapos lang ng Yesterday’s Bride kaya medyo nagpapahinga. Actually, hindi pa rin naman ako nakakapagpahinga eh, kasi tini-tape pa rin naming ‘yung Bayan Ko at patapos pa lang kami roon. And after that, baka ituloy na namin ‘yung isa pang project na naka-ready na, ‘yung Ibong Adarna.”

Maingay na pinag-usapan noong nakaraang taon ang bagong indie film niya na Lam-Ang dahil ‘daring’ ang kanyang role dito kung saan ang tangi lamang niyang suot ay bahag. Balitang na-shelve daw ang proyekto. Totoo kaya ito?

“I don’t know if shelved na, pero ang alam ko naman, sabi ni Direk sa akin, na kaya pa rin daw na matuloy ‘yung project. Although marami na ang nagbago sa look ko, katawan ko. Pero sa tingin ko, kaya pa namang ayusin ‘yun.”

Panghihinayang pa niya, “Kung kailan ako naglakas-loob na magbahag, nagkaroon pa ng problema sa project. Pero hopeful ako na matuloy pa rin ‘yun kasi, sayang, sayang ‘yung project, eh.”

Bakit kaya natigil ang shooting nito? “’Di ko rin alam, eh. ‘Di ako nagtanong sa reasons, kasi ‘di ko naman siya pinoproblema. ‘Yung productions ang nag-aano…  so, ang sinasabi lang sa akin ay naka-hold lang daw.”

Matagumpay naman ang kanyang huling indie film na I Luv You Pare Ko na ipinalabas sa sinehan noong February 6. Kuwento niya, “Ang saya saya namin, it ran for one week sa mga sinehan. Masaya kami, maganda ‘yung reviews, natuwa kami na maganda ‘yung team-up namin ni Rodjun (Cruz), para raw kaming love team.”

Almost two years ago, gumanap na rin sa isang indie gay film si Rocco, sa Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa. Hindi kaya siya natakot na ma-typecast sa mga gay film sa susunod pa niyang proyekto? “Ay, hindi! It’s just one part, it’s just part of being versatile. So, ano lang naman ‘yun, nagkataon lang na magkasunod ‘yung napili kong role na ‘yun.”

Sa ngayon daw lalo niyang pagbubutihan ang kanyang craft para sa lalo pang ikakaganda ng kanyang career. “I’m honored na binibigyan nila ako ng project. Ano ‘yan, motivation… mas namo-motivate ako lalo na pagbutihin ‘yung trabaho ko para mas mabigyan pa nila ako ng mas maraming project.”

 

NALOKA NAMAN kami sa maraming panlalait na natanggap ng magaling na komedyanteng si Kakai Bautista. Imagine, dahil lang sa kanyang Instagram posts, kung saan napunta ang usapan sa dapat sana ay pagiging masaya lang niya na naka-date ang Thai Superstar na si Mario Maurer.

Halos dalawang linggo nang pinag-uusapan sa social networking sites na Twitter at Instagram ang mga ‘sweet na sweet’ na mga larawan nina Kakai at Mario.

Unang pinagtuunan ng ibang netizens ang itsura nitong girl na diumano ay lagpas-lagpas ang ipin sa kanyang bibig. Dyus-ko naman, bigay ng Diyos ‘yun kaya huwag namang manglait nang ganu’n-ganu’n na lang. Pangalawa, parang hindi raw bagay si Kakai na ma-link kay Mario dahil nga guwapo ito at sikat na artista hindi lang sa Thailand kundi pati sa ibang bansa. Opinyon ko, porke ba’t hindi ganun kaganda si Kakai hindi na ba siya puwedeng mahalin ng isang Mario? Inggit lang talaga sila.

At sa interview ng Showbiz Inside Report (SIR), ‘may I cry’ talaga itong si Kakai dahil sa mga negatibong komentong natanggap niya. Pero, pinanindigan niyang magkaibigan lang sila ni Mario.

Aniya, “Naiiyak ako kasi sobrang bait niya talaga sa akin. Hindi ko kasi akalain na magiging magkaibigan kami na ganito eh. Kasi ‘yung mga tao… porke ba komedyante na chaka hindi na pwedeng magkaroon ng kaibigan na sikat na superstar, na international star? Siya lang ‘yung nagpatunay na wala talagang pinipili ‘yung totoong pagkakaibigan, kahit ano ka pa. Marami akong kaibigan, pero ‘di ba, sino ba mag-aakala na ako lang, si Kakai lang ang magiging kaibigan ni Mario]?”

Nagkakilala sina Kakai at Mario sa shooting ng pelikulang Suddenly It’s Magic, kasama si Erich Gonzales.

Ayon pa kay Kakai, nasaktan siya sa ibang mga negatibong komento, lalo na sa diumano ay ginagamit lang niya ang pa-ngalan ng sikat na Thai celebrity para ‘mas mapaangat’ pa ang kanyang popularidad.

“Minsan natatawa ako, minsan nai-stress ako. Wala naman ako pakialam kahit ano pang sabihin — ‘ambisyosa,’ ‘ilusyonada.’ Pero ‘yung sasabihin nila na I’m using Mario to be popular… Kasi hindi naman showbiz ‘yung friendship namin, eh. Totoong friendship iyon ‘no.”

Nanghingi na raw ng paumanhin si Kakai kay Mario dahil sa mga nagsulputang intriga sa kanilang pagkakaibigan. “Pero siya, deadma lang siya. Sabi niya, ‘I don’t have to worry. Stop worrying. You’re my sister. I want you to be happy.”

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

6 thoughts on “Rocco Nacino, naudlot ang pagsusuot ng bahag!

  1. well kamit kapamilya ako like kona si rocco… dahil si rocco ang na BI sa FP na tinulungan ang gay na nagalaga at tumulong sa kanya nuong di pa sya artista. kudos to him.

    To Cacai i like her! maybe mario saw something really special about her! she’s bubbly, happy and has a positive aura! no dull moment i guess… im happy for her :)

  2. 1. KAHIT SINO NAMANG BAKLITA EH MAEELYA KAY ROCCO NACINO NOH! GWAPO AT MACHO AT MUKHANG ‘GIFTED’ HEHE! 2. INGGIT LANG ANG MGA TAONG NANGUNGUTYA KAY CACAI DAHIL SA HILATSA NG FESLAK NIYA EH NAGUSTUHAN SIYA NI MARIO MAURER, BAKIT WALA BA SIYANG KARAPATANG MAGING MASAYA? WALA BA SIYANG KARAPATANG MAGKAROON NG KAIBIGANG GWAPO AT SIKAT? SA MGA BITTER EH MAGSITIGIL NA KAYO NOH!

    • TEH, NA-DENY NA NGA SI CACAI KAYA NAGRETRACT NA ANG LOLA. TINAPOS NYA NA NGA ANG KANYANG 15 MINUTES OF FAME. HAHAHA. KALOWKAH

  3. KUNG MEDYO HUMABA LANG ANG MGA LIMBS NITONG SI ROCCO, MAY DATING ITO. KASI GWAPO NAMAN AT MAKINIS ANG KANYANG MORENONG KUTIS. NAKAKAARTE PA ANG LOLO NYO. AT REGISTERED NURSE PA DAW YAN HA. 

    YUN NAMANG TUNGKOL KAY CACAI, TOTOO NAMANG NAGPAPACUTE AT NAGPAPA-INTRIGA SYA NOON SA INSTAGRAM AT TWITTER. DAMING NA-CURIOUS KUNG SILA NA NI MAURER EH, SIMPLENG YES OR NO LANG NAMAN ANG SAGOT. ABA, ANG HITAD, NAGPA-MYSTERIOUS PA SA MGA ANSWERS AT POST NANG POST NG PICS NILA NI MARIO. BAWAT SAGOT NYA SA MGA TANONG EH INDIRECT, LIKE “I LOVE U IN A HEARTBEAT” AT ” LOVE IS NOT BLIND, IT ONLY SEES WHAT OTHER’S CANNOT”. YES OR NO LANG, BUT SHE CHOSE TO ANSWER WITH SUGGESTIVE QUOTES. JUICE MIO. NGAYONG SUMAGOT ANG THAI FRIEND NI MARIO AT DINENY ANG ISSUE, BIGLANG KABIG ANG LOLA. SO, KUNG INOOKRAY MAN SYA, WELL, SHE GOT WHAT SHE DESERVED. SUDDENLY, IT’S TRAGIC, TALAGA! HAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.