Rocco Nacino, namana ang fans ng yumaong si Marky Cielo

Excited si Rocco Nacino habang nagkukuwento sa amin tungkol sa pictorial niya sa isang beach sa Batangas recently.  Ito’y para sa Cosmo Magazine kung saan siya ang featured hunk of the month para sa buwan ng Abril.

“I could confidently say it was medyo, ah… skinny! Ha-ha-ha! Kasi topless po lahat ng lay-outs kahapon. Maganda ‘yong mga kuha. May shot na nagba-volleyball ako. May kuha na tumatakbo ako sa beach, naglalakad lang, nag-i-emote. May kuha na half-body lang na nakaluhod ako sa dagat. And then nakaupo ako sa isang raft. Ang galing no’ng photographer!  Ang gaganda ng kuha… sobra! Tapos meron pang parang shower scene.

“Baka lalo akong pagpantasyahan dahil do’n? Maybe! Ha-ha-ha! Okey lang. ‘Di ba, malaking compliment kapag pinagpapantasyahan ka? I just hope I don’t disappoint them.”

Pumirma na siya at ang iba pa sa batch ng Starstruck 5 ng kontrata sa GMA. Ano ‘yong kumpirmadong puwede na niyang mai-share like in terms of projects and endorsements na balitang kanya ngang gagawin?

“Official na ‘yong sa Party Pilipinas. Nag-pictorial na kami for the opening billboard. Mag-i-air siya ng March 28.”

Totoo bang idadagdag ka sa cast ng Gumapang Ka Sa Lusak?

“Naririnig ko rin ang tungkol do’n. Ipapasok daw ako sa week 6. Pero, nag-audition kaming tatlong boys – ako, si Steven (Silva), at saka si Enzo (Pineda) for that specific role. So, hindi totoo ‘yong balita na pasok na talaga ako ro’n. Kumbaga, we have to wait kung sino ang pumasa sa aming tatlo ro’n sa role na iyon. Hopefully makuha ko ‘yong role. Ipinagpi-pray ko talaga ‘yon.

“Maganda ‘yong character. Kasi makukunek siya with Jennylyn (Mercado) and Dennis (Trillo) as the third party sa relasyon nila. Parang magkakaroon ng love triangle. Gusto ko ‘yong role. Para ma-challenge ako sa acting ko.”

Pumayag siya sa medyo sexy na tema ng pictorial. Would it mean open din siya for sexy roles?

“I’m now portraying an image na sexy pero wholesome pa rin. Hindi ibig sabihin, magbu-bold na rin ako. Magtatanggal ako ng pants o shorts. At saka ang limit ko is up to the top lang.”

Sa Starstruck batch 5, si Rocco ang may pinakamarami agad na tagahanga. Ito’y dahil daw namana niya ang fans ng yumaong si Marky Cielo na ngayo’y member ng kanyang mabilis na dumaraming Roccofellas fans club.

“Nakatutuwa pong makita ‘yong love nila at pagtingin nila kay Marky ay nagagawa nila sa akin. Siguro dahil sa tingin nila ay may similarities kami. O kaya, dahil pareho kaming from Baguio. Pero do’n lang po ako ipinanganak. Hindi po tagaroon ang family ko. Pero nakatutuwa pong gusto nila akong i-support.”

Wish ni Rocco na makapareha ang ultimate crush niyang si Carla Abellana. Gusto rin umano niya si Marian Rivera, and even Jennylyn Mercado kahit pa raw sabihing may anak na ito.

“Sa trabaho naman, hindi na kasama sa usapan ‘yong anak. Tingin ko kasi, mabait si Jennylyn at saka professional na artista, kaya I wish to work with her also.”

SAMU’T SARING INTRIGA: Pang-teleserye raw ang iyak ni Kris Aquino sa The Buzz last Sunday. Obvious daw na she was just trying to gain the public’s sympathy kaugnay ng mga intriga sa kanya kamakailan while taking the opportunity to talk about her presidential candidate brother Noynoy Aquino.

Sa dance number ng ilang miyembro ng Starstruck batch 5, marami ang nakapuna na tila natangay ng sinasayaw nilang dance music ang avenger na si Zef Cagayona. Nagtitikwasan ang mga daliri habang pumipilantik ang mga braso’t kamay at umiindayog ang balakang nang bonggang-bongga! Tinalbugan niya ang Starstruck girls… gano’n?

Nanalo na naman si Manny Pacquiao versus Joshua Clottey! May milyones na naman diumanong balato si Pacman kay Krista Ranillo?! Ang taray!

Nagri-react na ang mga nakapapanood sa comedy acts ni Giselle Sanchez. Hindi raw basta lang ginagaya kundi kopyang-kopya raw niya talaga ang mga orihinal na materyal sa pagpapatawa ni Allan K! Hala!

Paikut-ikot sa Quezon City… feel na feel ni Pia Moran ang pagda-drive ng isang mamahaling Mercedes Benz sports car!  Pero hindi po sa kanya ‘yon kundi sa isang mayamang kaibigan na dinidikitan niya ngayon. ‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Rocco Nacino, namana ang fans ng yumaong si Marky Cielo

Leave a Reply

Your email address will not be published.