Rocco Nacino, may sorpresa kay Lovi Poe sa bakasyon nila sa Baguio

Lovi-Poe-Rocco-NacinoBUKAS NA pala mapapanood ang episode ng Magpakailanman na ang pamagat ay Apoy ng Pangarap na pagbibidahan nina Lovi Poe at Derrick Monasterio.

Natawa nga si Lovi dahil puwede pa raw pala siyang i-partner sa bagets kagaya ni Derrick. Isang firewoman daw ang role ni Lovi at first time niyang humawak ng hose ng pamatay sunog. Pero nag-enjoy siya.

Kuwento ni Lovi, pagkatapos daw nu’ng taping ay aalis sila ni Rocco Nacino patungong Baguio para roon sila mag-celebrate in advance ng birthday niya at saka Valentine’s day.

Aalis kasi si Lovi pa-Balesin Island para sa kasal nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.

Tinukso nga ng mga bading si Lovi na baka roon daw sa Baguio na mag-propose si Rocco.

Sure na sure naman si Lovi na hindi mangyayari ‘yun dahil wala pa raw talaga sa plano nila.

Tinanong din ng Startalk si Rocco tungkol sa bakasyon nila sa Baguio, at sinabi naman niyang wala naman daw talagang proposal, pero meron daw siyang surprise para kay Lovi. Ayaw niyang i-share kung ano ‘yun dahil surprise nga.

Pero sabi ni Rocco, si Lovi na raw talaga ang tipo ng babaeng gusto niyang pakasalan. Bonggacious!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

One thought on “Rocco Nacino, may sorpresa kay Lovi Poe sa bakasyon nila sa Baguio

  1. Pinaka-antipatiko itong hambog na ito. For all we know, he is just using the gullible lovie Poe. Didn’t he get caught receiving and sendings texts with Tim yap while he was dating sheena halili.

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.