Rocco Nacino, magaling manggamit?!

NASA BOHOL PALA ngayon ang alaga kong si Alfred Vargas para magbakasyon ng ilang araw pagkatapos niyang mangarag sa nakaraang eleksiyon.

Bago siya umalis pa-Bohol kasama ang girlfriend niyang si Yasmine Espiritu, nagpa-victory party muna ito sa mga liders niya at sa lahat ng tumulong sa kanya sa pagkapanalo nito bilang konsehal ng district 2 ng Quezon City.

Ngayon lang daw nag-sink in sa kanya ang pagiging pulitiko niya pero hindi pa rin daw niya puwedeng iwan ang pagiging artista niya dahil hinahanap pa rin daw niya ang pag-arte.

Siyempre medyo mahahati na ang focus niya dahil may responsibilidad na siya sa mga constituents niya. Pero patuloy pa rin daw siya sa pag-aartista kung merong programang ibibigay sa kanya ang GMA-7.

Sa July pa uupo si Alfred bilang konsehal at ngayon ay marami pa raw siyang asikasuhin at kailangan din niyang magpapayat para handa na rin siya sa pagbabalik-artista.

Kung wala pa siyang gagawin sa GMA-7, gusto nitong ituloy ang isang indie movie na ididirek ni Mario O’ Hara – Ang Paglilitis kay Andres Bonifacio. Gustung-gusto ni Alfred na gawin ang project na ito kaya baka rito raw muna siya mag-focus at siyempre ang pagiging konsehal niya, dahil marami na raw siyang naiisip na project na gusto na ring simulan.

Ngayon ay bonding muna siya sa girlfriend niya dahil matagal-tagal din daw niya itong hindi nakasama nang mabuti dahil abala sa pangangampanya.

Wish nga ni Alfred na sana ito na raw si Yasmine ang babaeng makakasama niya habambuhay. Kung matutuloy, balak nitong mag-propose na ngayong taon at baka next year na ang kasalan. Pero depende pa rin daw iyan kung ano ang gusto ng Diyos na mangyari sa kanya. Pero sana, ito na raw talagang si Yasmine at wala nang hiwalayan.

Nakikita ko naman kung gaano kaseryoso si Alfred dito sa girlfriend niya kaya baka nga matuloy ang kasalan next year. Abangan na lang natin!

UNTI-UNTI NA ring natupad ang pangarap ng Ultimate Male Survivor ng Starstruck 5 na si Steven Silva dahil sa mga sunud-sunod niyang projects sa GMA-7.

Naikuwento nito sa amin na hindi naman daw siya pinababayaan ng GMA-7 pagkatapos niyang manalo sa Starstruck. Bukod sa Party Pilipinas, puspusan muna ang workshop niya dahil kailangang maging bihasa muna ito sa pagsasalita ng Tagalog bago siya isalang sa matinding aktingan.

Bukod sa pagkanta, forte rin niya ang hosting kaya roon muna siya inilalagay dahil alam na niya ito. Pero kahit papaano ay nakapag-ipon na rin siya at nakatutulong na ito sa pamilya niya, pati sa paborito niyang Tita.

Nakabili na rin ito ng kotse para may magagamit siya sa mga trabaho nito kaya happy na rin ito, at hindi naman daw totoong naiinggit na ito kay Rocco Nacino na mas maraming trabaho kesa sa kanya.

Kasi naman si Rocco, puwede mo na talagang isabak sa pag-arte kaya nabibigyan ito ng magandang project gaya nang pagkasali nito sa Gumapang Ka sa Lusak.

Sey naman ni Steven, wala silang inggitan dahil close na silang lahat sa Starstruck. Kaya happy na rin daw siya sa magandang project na napupunta kay Rocco.

Ito namang si Rocco ay napagbi-bintangan ngayong user-friendly dahil lahat na lang daw yata na mga magagandang aktres ay sinasabi nitong crush niya para mapag-usapan lang.

Nu’ng una, sinasabi nitong crush niya si Jennylyn kaya nagagamit sa publicity nang pumasok ito sa Gumapang. Sumunod naman ay crush na raw nito si Kris Bernal dahil sinabi naman nitong huli na itong si Rocco nga ang gusto niyang makasama sa susunod niyang project. Ngayon naman, si Lovi Poe na raw ang crush niya kaya lang hindi puwede dahil taken na ito.

Sabi naman ni Rocco, hindi raw ‘yun panggagamit dahil marami naman daw talaga siyang crush sa dami ng mga nagagandahang girls sa GMA-7. Okay fine!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

12 thoughts on “Rocco Nacino, magaling manggamit?!

  1. Rocco Nacino, magaling manggamit?! Lolit Solis

    Aray!! Aral ba sa iyo, Lolit?
    Pag magaling manggamit …tiyak nag graduate sa iyo.

  2. mabuti naman at nanahimik na si lolit na mukhang pera mabuti at di na nagsusulat ng di maganda about kris baka naisip na talo na si villar wala ng makukuha kaya yon tumigil na cguro nag iintay na naman ng tao magbabayad sa kanya

Leave a Reply

Your email address will not be published.