Rocco Nacino, laging tinutukso ni Lovi Poe kay Heart Evangelista

Rocco-Nacino-Lovi-Poe-Heart-EvangelistaMALAPIT NANG umere ang bagong serye ng GMA 7 na Beautiful Strangers. Bida rito sina Rocco Nacino, Lovi Poe, at Heart Evangelista.

“Maraming mabibigat at maraming kilig na mga eksena both with Heart and Lovi. So, something to look forward talaga,” excited na sabi nga ni Rocco. “Kilig ‘yong mga scenes kasi ibang klaseng romance ang makikita. We made sure!”

Sa story, parehong magiging love interest ni Rocco sina Lovi at Heart.

“Parang chapter. Parang it’s a chapter na… kung bakit makikilala ko si Heart. So, another chapter, kumbaga another point in life ‘yUng ano… which is hindi ko puwedeng sabihin kung anong mangyayari kay Lovi kaya kami hindi magkakatuluyan at kaya si Heartt ang magiging ano… And ang daming transitions sa buhay ng character ni Lovi. At dahil sa mga transitions na ‘yon, ang dami ring transitions sa emotions ko towards her and towards Heart. So, ‘yon… magkakaroon ng mga conflicts.”

Mahirap ba for him na i-establish ‘yong kilig moments nila ni Heart kasi in real life ay bestfriend nila ni Lovi ang aktres?

“Of course mahirap kahit kanino. Mahirap kahit kanino. Uhm… kailangan ‘yong una, status rapport, ‘yong pagiging friends ninyo, tapos you have to talk to each other. Siyempre noong una, nakaiilang. Lalo na nagtatawanan kami ni Heart na sabi niya… first kissing scene niya after her marriage (kay Senator Chiz Escudero). Sabi ko… at least hindi mo ako makalilimutan! Na ako ‘yong first kiss mo after mong ikasal,” tawa ni Rocco

Pero mahirap na ka-kissing scene ang isang closefriend in real life, ‘di ba?

“Yeah! Pero at the same time, kahit papa’no magaan din. Kasi bonus din na kaibigan ko siya so… it lessens the awkwardness. After no’ng scene na ‘yon, nag-uusap na kami palagi. Magkakasama kami sa standby area kaya mas nagiging close din lahat.”

No’ng kunan ba ‘yong kissing scene nasa set si Lovi?

“Wala. Pero nag-aabang siya ng balita kung kumusta. She was looking forward to it nga kung anong magiging reactions namin. And it turned out well.”

Sakaling nando’n si Lovi nang kunan ang kissing scene nila ni Heart, mailang kaya siya?

“Hindi. Kasi alam naming trabaho iyon, e. Trabaho ‘yon. At saka kami ni Heart, inaalagaan naman namin ang isa’t isa so walang problema ro’n. Lagi nga akong tinutukso ni Lovi tungkol sa amin ni Heart, e. Parang she’s really, really confident na magwu-work ‘yong chemistry namin ni Heart. And, uhm… ako, exited ako. Natsa-challenge ako. At nakakatuwa si Heart.”

So talagang isang panibagong challenging role pala ang ginagampanan niya sa Beautiful Strangers?

“It’s challenging for me. Yes. Although more challenging para kina Lovi at saka kay Heart. Kasi they take on their characters more of a revenge, e. So, ‘yong grasp nila sa character dapat ano… ang lalim ng hugot. We want to keep the audience guessing kung sino ba ang maghahanap ng revenge. Kung sila bang dalawa o isa lang sa kanila… or a different kind of revenge. So, ang daming posibleng mangyari. And I don’t want to spill it siyempre. Ayokong sirain ‘yong surprise. But then sa teaser, litung-lito ang tao kung sino ang magri-revenge sa kanila. So, I’m caught in the middle. Nasa gitna ako not knowing kung anong gagawin ko, kung sino ang pipiliin ko sa kanilang dalawa.”

Sa tingin niya, what makes it perfect na silang tatlo nina Heart at Lovi ang magkasama sa Beautiful Strangers?

“Una, the chemistry of Lovi and Heart. How natural it would be for them to play their characters. At makikita ng audience natin ‘yong… a different kind of hugot sa mga characters. Na gaya nga ng nasabi ko… a different kind of revenge.”

Paano kaya kung one of these days, bigla na lang mabuntis si Heart? Baka madaliing tapusin ang Beautiful Strangers kapag nangyari ito?

“Ewan ko!” tawa ulit ni Rocco. “Tingin ko, she’s very driven to work now, e. I see how she is driven now sa trabaho. Gustong-gusto niyang magtrabaho nang magtrabaho at mag-ipon. Kahit papa’no napag-uusapan ‘yong mga ganyan. And I think itina-timing din niya iyon. Kung kailan dapat gawin ‘yon.”

Kasama rin sa cast ng beautiful Strangers si Christopher de Leon. Fisrt time daw ni Rocco na makakatrabaho ang isa sa pinakamahuhusay na aktor ng bansa.

“Wala pa kaming nakukunang scenes together. Pero excited ako. At… alam kong kakabahan ako. Pero being an actor that I am, dapat isantabi ko ‘yon pagdating sa mga scenes with veteran actors,” panghuling nasabi ni Rocco.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.