Rocco Nacino, kapalit ni JM de Guzman sa ‘San Pedro Calungsod’

TAMA LANG nga na si Rocco Nacino ang mapiling kapalit ni JM de Guzman na nag-back out para gampanan ang lead role sa bio-film na San Pedro Calungsod: Batang Martir. Masaya naman ang Kapuso actor na sa kanya napunta ang nabanggit na entry sa Metro Manila Film festival para sa taong ito.

“Of course, motivated ako ngayon na pag-aralan lalo ‘yong buhay ni St. Pedro Calungsod. Tutal, I have portrayed it before sa isang GMA News TV special. Kumbaga, may insight na ako. May konting alam na ako sa buhay niya. So, more research pa. And I’m gonna make myself ready for this role. Wala pa lang kasi ‘yong script at ‘yon ang hinihintay ko.”

“Fifty times akong nag-thank you!” nangiting sabi pa ni Rocco. “Siyempre, first time kong magkakaroon ng movie na entry sa MMFF. Supposedly, ‘yong ginawa kong pelikulang Ibong Adarna sana ang isasali sa filmfest. Kaso it was not chosen.”

Mas may pressure ba na isang entry para sa MMFF ang gagawin niya?

“Yes!” sabay ngiti ulit niya. “This will be ano… a stressful year para sa akin. Kasi unang-una, gagawin ko ‘yong Akin Pa Rin Ang Bukas,” pagtukoy niya sa bagong soap ng GMA na pagtatambalan ulit nila ni Lovie Poe, kung saan kasama nila si Cesar Montano.

“Kumbaga, first time ko rin na ma-headline sa cast ng isang primetime series. So do’n pa lang, pressured na pressured na ako. And nervous. Kaya ngayon pa lang, nire-ready ko na ang sarili ko para  sa Akin Pa Rin Ang Bukas at sa Pedro Calungsod. My working schedule will be packed. Pero this will be exciting.”

Dagdag pressure din daw for him na sa primetime series ngang Akin Pa Rin Ang Bukas ay makakatrabaho niya ang isang magaling at premyadong actor na si Cesar Montano.

“Yes. He’s of course everyone’s idol. And I will have the honor to be in scenes with him. Kaya excited na excited na ako. I’m excited to learn from them.”

Exciting din daw for him ang pagbabalik-tambalan nila ni Lovi. Ikatlong beses na nila itong sa Akin Pa Rin Ang Bukas.

“Sa nghayon, ‘yong mga batang kasama sa cast muna ang kinukunan. And gusto kong pumunta sa set. Para maramdaman ko ‘yong vibes at kung paano magtrabaho ‘yong director naming si Laurice Guillen. Kasi first time ko pa lang siyang makakatrabaho.”

Tiyak na muli na naman silang ma-link ni Lovi ngayong magkapareha sila. At inaasahan na rin daw ito ni Rocco.

“Hindi naman maiiwasan ‘yong ganyan. Normal nang nangyayari ‘yan kadalasan sa sinumang artistang nagiging magka-partner.”

He is looking forward daw na makapag-hang-out ulit sila together ng aktres gaya no’ng ginagawa nila ang Yesterday’s Bride.

“I’m excited to spend a lot of time with her. And ‘yon, makikita ko na siya ulit. Kasi napaka-busy niya. Kaya ngayon makikita ko na naman siya halos araw-araw ulit.”

May mga manliligaw daw si Lovi ngayon pero hindi nito ma-entertain. Hindi kaya si Rocco kasi ang hinihintay nito?

“Ay, gano’n ba?” sabay tawang reaksiyon ni Rocco. “Hindi ko masasagot ‘yan! Hahaha! Hindi ko alam kung totoo ‘yan. Uhm… I don’t know. I’d look forward to spending a lot of time with her.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Comments are closed.