Rocco Nacino, ibabalandra ang puwet sa pelikula!

NITONG KATATAPOS na Holy Week, nasa isang resort sa Batangas lang si Geoff Eigenmann. Bukod sa kanyang pamilya, kasama rin niya ang girlfriend niyang si Carla Abellana at ang family nito.

“We have other plans sana pero hindi natuloy,” aniya. “So ‘yong quickest way na maka-ano kami… quick change of location for this Holy Week was Batangas.”

Matapos ang maikling bakasyon, back to work na naman ang aktor. At natutuwa raw siya na na-extend ang top-rating primetime series ng GMA-7 na Legacy kung saan isa siya sa cast.

“Until May pa kami. So, ang sarap ng feeling. Kasi tuluy-tuloy ang suporta ng fans at ng viewers. Even people from the other stations say that they watch our show. So, that’s always a good thing. Na kapag tapos na raw ‘yong mga… whatever shows that they watch, pagdating ng Legacy, doon na sila nakatutok. So, that’s always a good thing. Mara-ming mangyayari pa sa Legacy na dapat n’yong abangan.

“Of course with all the characters (nila nina Lovi Poe, Heart Evangelista, at Alessandra de Rossi at iba pa sa cast) na siyempre magkaka-intertwined-intertwined… hindi alam ng sino kung sino ang gusto talaga nila. Kung kanino mapupunta ang sinuman. So, maraming mangyayari pa. Na mas intense.”

Sa istorya ng Legacy… naiipit si Geoff sa ex-girlfriend niya portrayed by si Lovi at sa kapatid nito na sunod niyang naging girlfriend na gina-gampanan naman ni Heart. Pareho niyang mahal ang mga ito kaya naguguluhan siya.

Natawa ang binata nang matanong kung nangyari na ba sa kanya ‘yong gano’ng sitwasyon in real life?

“Wow! Things happen! Maybe. Maybe not. The past is a past!” nangiti pa niyang sambit.

Kung sabagay, mukhang happy naman siya sa relasyon nila ni Carla ngayon. Kumusta na nga pala si Carla sa hiningi nitong bakasyon matapos mag-expire ang contract sa GMA?

“She’s good. She’s doing very well.”

When is she getting back to work?

“Malapit na. They’re about to start taping soon from what I know. So, ‘yon.”

Sa Siyete pa rin si Carla? Hindi ito lilipat sa Dos?

“I guess so. She has already signed a contract again with GMA.”

 

TEN YEARS ding tumira si Rocco Nacino at ang kanyang pamilya sa Singapore. Kaya gano’n na lang ang tuwa ng young actor nang muli siyang nakabalik doon for a short vacation nitong katatapos na Lenten Season.

Four days silang nag-stay sa Singapore. At kabilang sa itinerary ni Rocco ay ‘yong pamamasyal sa Universal Studios, pag-iikot sa mga dinarayong shopping centers doon, pagbisita sa bahay na tinirahan nila at ‘yong elementary school kung saan siya nag-aral, and also madalaw ‘yong ilang naging kaibigan niya sa panahon ng kanilang paninirahan sa nasabing bansa.

“Matagal na rin bago ako muling nakabalik sa Singapore . Twelve years. Kasi year 2000 po kami umuwi rito sa Pilipinas, e.”

May naging girlfriend ba siya roon o parang puppy love sa panahong doon pa sila nakatira?

“Secret!” tawa ulit ni Rocco. “Bata pa ako no’n! Umalis kami sa Singapore… thirteen years old ako. Uhm… crush-crush lang ako no’ng time na ‘yon. Hahaha! Tapos… wala. Puro aral.”

Maganda rin daw na makapagbakasyon siya sandali. Dahil pagkatapos ng Mahal Na Araw, balik na naman siya sa pagiging busy sa trabaho. Bukod sa Party Pilipinas at taping ng The Good Daughter, naghahanda na rin siya para sa shooting ng isasapelikulang Ilocano epic na Lam-Ang.

Usap-usapan ang tungkol sa eksenang magpapakita raw siya ng kanyang behind. Totoo nga ba?

“Baka!” nangiting sagot ni Rocco. “Tingnan natin sa costume fitting. Kasi hindi naman maiiwasan iyon, e. Si Lam-Ang, ang suot naman niya… bahag talaga. Pero ‘yong costume na ipapasuot sa akin, hindi gano’n ka-sexy. Kasi… ang target audience ng film na ito ay ‘yong mga kabataan. Gusto ng producer at ng direktor namin, ma-appreciate ng mga kabataan ‘yong story ni Lam-Ang.

Although halos hubad na nga siya dahil bahag lang ang kanyang costume sa Lam-Ang, hindi raw ibig sabihin ay game na siya for sexy roles.

“I wanna give importance muna dito sa wholesome image na meron ako. At, a… hindi naman ako nagmamadali na pumunta ro’n, e. So… ito muna. Ito muna.  Kung anuman ang meron ako ngayon.”

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

15 thoughts on “Rocco Nacino, ibabalandra ang puwet sa pelikula!

  1. ka kapal ng muka nyo!!!….ee no. 1 nga ang gma!!!>>nasa putik nanga ang abs ee>>wala ksing wentaA!!!>>tama nmn ee….sa gma..ngpapakita ng pwet…sa abs nmn…ngpapakita rin ng pwet….ang pinagkaiba lng…sa abs>>puro mukang pwet!!

  2. Ilagay nila si Jed Madela sa Biritera kung gusto nila mag-rate!wahahahahaha

    Katawan lang kayang ipakita ng mga yan..sa akting-wa!

    Kahit tanungin nyo pa si aling wilma!

  3. EXTENDED KASI WALANG BAGONG IPAPALIT NA TELESERYE,,,WEH,,,,PATI NGA BAKER KING IBABALIK NA,,,,,,ANU YAN UNLIMITED LANG BUWAAAAAAHAHAHAHAH

  4. EXTENDED ANG LEGACY AT BIRITERA KASI SUPER GANDA NG MGA TELESERYE NA ITO……AS IN SUPER!!!!!!!!!!!!!!!!!!! ANO NAMAN KUNG MAGPAKITA NG PUWET YUNG MGA ARTISTA NGA SA DOS EH PURO MUKHANG PUWET………..BWAHAHAHAHAHAHAHAHA

  5. WAHHHHH,,,,PWET NA NAMAN ANG IPANGALANDAKAN,,,,HINDI NA NAHIHIYA,,MGA LINSYAK SANA KUNG HINDI UMUUTOT MGA ITO,,,

  6. Extended ang Legacy at Biritera kasi wala silang nakahandang bagong shows na ipapalit bukod sa mas matipid mag-extended kaysa bumuo ng mga bagong shows. Di tulad sa Dos, nagsisiksikan ang shows sa Primetime Bida nila at nakahilera ang mga bagong shows, nag-aantay mag-finale ang isang show para maisalang na.

  7. ang Legacy na hindi nagre-rate, kaawa awang show. sa umpisa parang maganda pero pag matagal na lilipat ka na lang sa kabilang rival show dahil pangit na ang takbo ng istorya at puro bano at pilit ang mga pag arte ng mga bida gaya na lamang ni lovi poe na social climber at nagfefeeling mayaman pero mukhang cheap pa rin at ni geoff eigenman na kalevel ni aljur abrenica sa acting, parang tuod! hahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.