Rocco Nacino, hanggang paghanga lang daw kay Lovi Poe

NGAYON PA lang, puspusan na ang pagwo-workout ni Rocco Nacino bilang paghahanda sa bago niyang teleserye sa  GMA 7 na Yesterday’s Bride with Lovi Poe. Simpatiko, guwapo at malakas ang sex appeal ng binatang ito. Gusto niya in good shape ang kanyang pangangatawan kapag nagsimula na silang mag-taping ng sexy actress. Malaki ang naitulong ng kanyang gym trainer na si Ghel Lerpido para magkaroon agad ng shape at muscles ang katawan ng binata. Five times siyang nasa gym (Monday-Friday) para maging physically fit ‘pag humarap na sa kamera.

Super excited si Rocco sa bagong project nila ni Lovi. Sobrang pasasalamat niya sa Kapuso Network sa mala-king break na ibinigay sa kanya para maging leadingman. May halong kaba at nerbiyos ang nararamdaman ngayon ng binata habang papalapit na ang taping nila ni Lovi.

“Malaki ang paghanga ko kay Lovi as an actress. Magaling na artista si Lovi kaya ganoon na lang ang paghahanda ko ‘pag nagsimula na kaming magtrabaho. Ayaw kong mapahiya sa kanya pati na rin sa GMA-7 na nagbigay ng break sa akin para makasama ko si Lovi sa bago naming soap,” say ni Rocco.

If ever magkaroon ng kissing scene sina Lovi at Rocco, ano kaya ang magiging reaction ng binata? “Hindi ko alam, ayaw kong isipin dahil mahirap gawin. Siyempre, kakabahan ka dahil si Lovi Poe ang ka-kissing scene mo. Kung mayroon man sana, sa bandang huli na para hindi ako mailang. Kailangan siguro nakapag-bonding muna kami para mawala ‘yung hiya ko. ‘Yung bang relax ka, mabibigyan mo na nang emotion ‘yung bawat eksena ninyong dalawa… ‘yun,” tugon ni Roco.

Inamin ni Coco na matagal na niyang crush si Lovi kaya ganoon na lang ang tuwa nito nang malaman niyang  makakapareha niya ang morenang actress. “Totoo ‘yan, hindi dahil may soap kami together. Paghanga lang naman ‘yung sa akin, walang ibig sabihin ‘yun. Priority ko ang career ko, kailangan may mapatunayan muna ako bilang actor. Focus muna sa trabaho ang dapat kong pagtuunan ng pansin,” sabi ng binata.

 

MAINIT NA pinag-uusapan ang pagtatambal nina Dingdong Dantes at Kylie Padilla sa isang teleserye ng GMA 7, ang Haram. Marami ang sumasang-ayon sa tambalan ng dalawa dahil bagay sila at may chemistry. Babaguhin lang ang takbo ng istorya pero tuloy pa rin ang nasabing project ng dalawa na pang-primetime show ng Kapuso Network. Nasa cast rin sina Lorna Tolentino at Boyet de Leon.

Hindi pa man nagsisimulang gumiling ang kamera, iniintriga na agad ang dalagang anak ni Robin Padilla. Lumabas na naman ang insecurity ni Marian Rivera. Balitang inirap-irapan raw nito si Kylie nang magkita ang dalawa sa compound ng GMA. Hindi na lang pinansin ni Kylie ang naging attitude ng dyowa ni Dingdong.

Bawat babae yatang madikit kay Dingdong ay pinagseselosan ni Marian. Nangangahulugan kayang puwedeng matukso or magkagusto ang actor sa kanyang leading lady? Depende rin siguro ‘yun kung sino ‘yung babaeng magugustuhan ng actor/producer. Hindi ang tipo ni Kylie ang magpapakita ng motibo or papatol sa isang lalaking alam niyang may sabit na. Kilala natin si Dingdong na napaka-gentleman at seryoso kung magmahal. Dapat sigurong manahimik na lang si Marian at tigilan na ang pagiging palengkera. Mag-focus sa career na tipong pabagsak na! ‘Yun lang.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

2 thoughts on “Rocco Nacino, hanggang paghanga lang daw kay Lovi Poe

Leave a Reply

Your email address will not be published.