Rocco Nacino, halatang type ligawan si Lovi Poe

NAKAKATUWA NAMAN itong si  Aljur Abrenica ha? Talagang nag-effort siya na mag-ipon ng mga puwede niyang ipa-raffle sa mga kaibigang movie press.

Nagpa-dinner ito nu’ng kamakalawa ng gabi at sandaling nakatsikahan ito ng mga reporter.

Nangako raw ito sa sarili niya na marami siyang babaguhin sa taong 2013.

Ngayon pa lang, may New Year’s resolution na siya at isa sa gusto niyang matupad bago pa tumuntong ang 2013 ay ang bahay na binili niya para sa pamilya.

Sana raw bago mag-Bagong Taon ay malilipatan na nila ito.

Ang isa pang plano ng aktor sa 2013 ay gusto raw niyang magkahilig sa pagbabasa ng libro.

Naniniwala siyang marami siyang matutunan sa buhay kapag nakahiligan na niya ang pagbabasa ng libro.

Ang gusto lang daw niyang manahimik muna sa ngayon ay ang lovelife.

Mas gusto raw niyang huwag na itong i-showbiz. Maganda rin daw na merong inspirasyon sa trabaho, pero gusto pa rin niyang mag-focus sa trabaho at sa pamilya.

Doon na rin nilinaw ni Aljur ang isyu sa kanyang mga magulang na hanggang ngayon ay tsinitsismis pa rin na magkahiwalay raw talaga.

Sabi ni Aljur, nililinaw na niya ngayon na nagkaayos na ang Mommy at Daddy niya.

Totoong nagkaproblema raw pero naayos naman daw at natutuwa nga siya nu’ng nagkaroon sila ng concert na mag-aama dahil nakikita raw niyang masayang-masaya at proud nang husto ang Mommy niya.

Apektado na raw kasi ang dalawa niyang kapatid na 13 at 16 years old na natatanong na raw sa school nila.

Kaya nakiusap itong huwag na sanang ipursige pa ‘yang intrigang ‘yan dahil ang naapektuhan ay ang mga kapatid niyang hindi naman showbiz.

Sa ngayon ay abala muna si Aljur sa promo ng pelikula niyang Sosy Problems na entry ng GMA Films sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

 

PARANG NAHALATA ng mga reporter na meron talagang something sina Rocco Nacino at Lovi Poe.

Sa presscon ng tatlong afternoon drama ng GMA 7, nandu’n sila bilang bida ng Yesterday’s Bride.

Nahahalata raw talagang iba ang pagtingin ni Rocco kay Lovi.

Sabi naman ni Lovi, hanggang friends lang daw talaga sila at naging close lang sila lalo nang magkasama sila uli rito sa Yesterday’s Bride.

Ang dating kasi, parang type ngang ligawan ni Rocco si Lovi, pero parang ayaw naman ng huli.

May nagtsismis pa sa amin na meron daw pinadala si Rocco na regalo para kay Lovi, pero hindi raw ito tinanggap ng aktres.

Nang tinanong ito ng Startalk reporter namin, nagulat si Rocco. Wala naman daw siyang naipadalang regalo kay Lovi. Nagulat din si Lovi dahil wala naman daw siyang natanggap na ganu’n.

Nahiya nga raw siya dahil si Lovi raw meron nang naibigay na Christmas gift sa kanya. Samantala, hindi pa raw siya nakapamili ng ipangregalo niya sa leading lady niya.

Pareho naman silang single kaya posible naman silang magkadebelopan. Pero tingin ko sa dalawa, mas gusto nilang mag-focus sa trabaho, kaya hindi siguro magkakainlaban ‘yan. Hanggang trabaho lang talaga sila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Rocco Nacino, halatang type ligawan si Lovi Poe

  1. dyuskupo ewan koba at pinagkakaguluhan  daw ng mga lalake yang babaitang lovi poe nyan e hindi nman maganda, mukhang bakla ang pangit ng katawan laluna ung legs prang legs ng lalake, tapos andumi ng skin hndi flawless… ngpapaderma nmn daw pero madumi padin skin….oo watsko tlserye nya pero dhil lng sa story pero pg nkikita koza ang chaka tlaga mdyo gumaganda lng pg nka make up ng maganda…

Leave a Reply

Your email address will not be published.