Rocco Nacino, ganadong magtrabaho kasama si Lovi Poe

Rocco-NacinoGANADONG MAGTRABAHO si Rocco Nacino sa pagsisimula ng taping niya para sa bagong serye ng GMA 7 na Beautiful Strangers. Kasama niya rito sina Lovi Poe, Heart Evangelista, Benjamin Alves, Christopher de Leon, at si Dina Bonnevie.

Sa istorya, magkakaroon daw ng love triangle sa mga characters nila nina Lovi at Heart.

“Iyon ang conflict,” ani Rocco. “So… ayokong mag-spill ng ano, pero very, very complicated ‘yong story. And… maganda. Drama ang tema nito, so I’m happy.”

Close friend nila ni Lovi si Heart. Hindi ba parang nakaiilang sa pakiramdam na magkakaroon sila ng love triangle?

Lalo pa, misis na si Heart ni Senator Chiz Escudero.

“Iyon nga! Iyon ang challenge do’n. Pero siyempre, we’re actors. So, kakayanin ‘yon. At… finally, makakatrabaho ko na rin si Heart. Isa ‘yon sa bucket list ko, e. Na makatrabaho ko siya.”

Hindi magiging ilang factor sa kanya na asawa ni Senator Chiz si Heart?

“No. Magkakaibgigan naman kami, e. At iyon ang maganda ro’n. It helps. Kasi magkakaibigan kami.”

Nagkaroon naman daw siya ng break from work last month kaya okey lang daw for him na matambakan siya ng projects na pagkakaabalahan ngayon.

“Kakauwi ko nga lang galing La Union. Tinapos ko ‘yong shooting ng Flotsam. It’s an indie film. Partner ko naman dito si Solenn (Heusaff) tapos kasama rin namin si Carla Humphries. Isa siyang surf movie. Si Jay Abello ang direktor namin.”

Halos tapos na rin ang shooting ng isa pang indie film na ginagawa niya ngayon. Ito ay ang Mabalasik, kung saan bida sila ni Aljur Abrenica. Puring-puri siya ni Aljur bilang co-star. Ibang klase raw siyang katrabaho kasi magaling daw siyang aktor.

“Naks!” tawa ni Rocco. “I’m proud of Aljur din. Maganda nga ang takbo ng trabaho namin. Okey na okey sa set kasi everythying is so smooth, e. So… masaya siyang katrabaho. Ngayon ko lang siya makakatrabaho, e. So everyting is really nice. We get to talk.”

Ang girlfriend niyang si Lovi, bukod sa muling pagsasama nila sa bagong soap ng GMA nga na Beautiful Strangers ay magkatambal din sila sa pelikula tungkol kay Gregoria de Jesus na Lakambini.

“Malaki ang advantage kapag si Lovi ang katrabaho ko. Kasi kilalang-kilala na namin ang isa’t isa at gamay ko na siya kung paano rin siya magtrabaho. Malaking plus ‘yon. And advantage na magkasama kami palagi. Wala naman. Para siyang everyday, first day!” tawa ulit ni Rocco.

At parang everyday is a date din as they work together in a project?

“Yes. Everyday is a date.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous articleSikat na female personality, pingdududahan ang pagtulong sa kasamahan sa industriya
Next articleMika dela Cruz, nag-aabang pa rin sa big role

No posts to display