Rocco Nacino, ‘di sinayang ang chance na mapansin at sumikat

PINAKAMASAYA NA yata among young actors sa ngayon si Rocco Nacino dahil sa dalawang magkasunod na award na natanggap niya mula sa PMPC Star Award for Movies at sa Golden Screen Award mula sa Enpress. Solong-solo pa niya ang award at wala siyang ka-tie habang sa ibang mga kategorya ay may mga tie na naganap. Sobra ang pasasa-lamat ni Rocco sa hindi niya inaasahang karangalang natanggap. Sa mga “thank you” speech ni Rocco, sinabi nitong mas pagbubutihin pa niya ang trabaho dahil may inspirasyon na siyang natanggap.

Busy si Rocco sa The Good Daughter at posibleng magka-award na naman siya rito dahil lutang na naman ang husay niya. Dahil sa galing niya, ayun at nakakasabay tuloy ‘yung mga kasamahan niyang artista du’n na “hilaw’ pang umarte. Pinaghahandaan din ni Rocco ang first lead role niya bilang si Lam-Ang, kapareha si Rochelle Pangilinan. Sa training nga ay napilayan na siya pero balewala sa kanya ‘yun at tuloy ang trabaho.

Kinukumpara si Rocco Nacino sa maraming young actor na nagpapabaya sa trabaho na nabigyan ng chance upang mapansin at sumikat din gaya ni Edgar Allan Guzman. “Nababaliw” yata ito sa isang starlet na dancer kaya pati sa manager niyang si Noel Ferrer at mga taong close sa kanya ay nagsisinungaling siya. Nakikipag-live-in na pala ito du’n sa starlet-dancer pero iba ang sinasabi sa mga interviews.

Gaya ni Rocco, mahusay rin bilang aktor si Edgar Allan, patunay nga ay ang best actor award niya sa Cinemalaya 2011. Nakasama pa niya ang Superstar Nora Aunor sa Sa Ngalan Ng Ina at nagkasunud-sunod ang projects sa TV5. Kahit sa ABS-CBN ay nakakalabas pa siya’t kasama nga siya sa movie nina John Lloyd Cruz at Angel Locsin plus ang guesting niya sa MMK. Aba, biglang nawala si Edgar Allan, ‘yun pala’y naloloko nga sa babae at dedma sa trabaho niya.

Nanalo na naman siya ng best actor in a musical-comedy film sa Golden Screen Award ka-tie si Martin Escudero at muli, nagsalita na naman itong tututukan na ang career at hihiwalayan na ang kalive-in at uuwi na sa pamilya niya. Nakataas lang ang kilay ng manager niya habang sinasabi niya ‘yun. Sana naman, maging totoo na si Edgar Allan sa mga pangako niya, sayang kasi ang husay niya. Isa pa naman siya sa mga paborito naming aktor sa hanay ng mga kabataan ngayon kahit hindi kami close. Mahal din siya ni Tita Cristy Fermin kaya mahal din namin ang batang ito.

Sa panahon ngayon na masu-werte ka nang mapansin dahil sa dami ng mga gustong sumikat at araw-araw ay may bagong artista, maisip sana ni Edgar Allan na isa siya sa pinakamasuwerte dahil napapansin siya at nananalo pa ng award. ‘Yung iba, matagal na sa industriya kahit magaling, hindi pa nananalo ng award. Pero siya, naka-dalawa na at palagay namin ay marami pang darating. Sana this time, mahalin na niya ang trabaho niya at alagaan ang kanyang career at isapuso ang mga sinasabi ng mga taong nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya, at kasama na kami du’n.

‘Yun lang!

 

DUMAGSA ANG mga celebrities sa Broadway Centrum kamakailan para sa  audition ng Amazing Race Philippines na mapapanood sa TV5. Ang Singaporean group ang nagpa-audition para sa franchise nito rito sa atin na nabili ng Kapatid Network. Dahil kailangan ay tandem, kailangan ay magkapatid, magkaibigan, mag-ina o mag-asawa.

Nanguna ang magkapatid na sina Troy at KC Montero na pinagtaasan agad ng kilay ng mga naroong celebrities dahil alam naman ng lahat na katatapos lang sumali ni KC sa Survivor Philippines sa GMA-7 eh, ba’t nga biglang nasa TV5 siya? Hindi ba’t one year pa bago matapos ang kontrata nila roon? O, gusto lang niyang “maghiganti” dahil natalo siya ni Betong?

Naroon din ang mag-inang Rosanna Roces at Onyok, kung makapasok ang dalawang ito, tiyak na riot dahil kapwa “pasaway” sila, ‘di ba? Masaya ‘yun! Kailangan ding makapasok si Osang para magka-career ulit siya, ‘noh! Naispatan din doon ang mga sexy star na sina Maui Taylor at Gwen Garci na sobrang sweet daw! Ayan, kumalat tuloy ang tsismis na may “something” sa kanilang dalawa. Eewwww!

Andu’n din ang magkapatid na Epi at Ronnie Quizon. Mukhang magpapa-aktibo yatang muli si Ronnie, bakit naman hindi eh, very visible pa rin ang ex niyang si Eula Valdes at in ferness to Ronnie, mahusay rin siyang aktor, huh! Nabulabog din ang mga naroroon dahil join din sa audition ang mag-jowang Danilo Barrios at sexy star Jaycee Parker. Medyo malusog daw ang dating Streetboys at si Jaycee, kaya kapag nakapasok sila, way na rin ‘yun para sumeksi silang pareho, ‘noh!

Nag-audition din ang model na si Jon Hall kasama ang gf-model nito pati na rin ang dating beauty queen na si Janina San Miguel kasama ang friend din niyang ex-beauty queen. Marami pang mga nag-audition pero the rest ay pulos “the who” na at mga “starlets”!

Aabangan natin kung sinu-sino ang makakapasok sa exciting na game show na ito ng TV5.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

loading...

4 thoughts on “Rocco Nacino, ‘di sinayang ang chance na mapansin at sumikat

  1. congrats jan kay rocco nacino… kahit na nararamdaman pa rin natin o ako lang ba? ang kayabangan nya hahahaha bet ko yan lang magiging awards ng roco na yan hahaha.

    .

    napanood ko lang ngayon sa tv patrol, lumipat na daw si derek ramsay sa tv5 dahil mas mataas ang talent fee na ibinigay ng tv 5 sa kanya… anong sense? well well well, bet ko na si tandang ramsey ang host ng amazing race philippines.

    nga pala, goodbye na sa career ni tandang ramsay, start na ng pagbagsak nya at pagiging laos. kung kelan naman na napapansin na si tandang ramsay tsaka naman lumipat at dahil pa sa pera ha! to think na mayaman na si tandang ramsay. oh well, goodbye na laos na tandang ramsay.

Leave a Reply

Your email address will not be published.