Rocco Nacino & Charee Pineda: You Were Meant For Me!

ROCCO NACINO
Real Name: Enrico Raphael Quiogue Nacino
Birthdate: March 21, 1987
Zodiac Sign: Aries

CHAREE PINEDA
Real Name: Crissha Charee Morrison Pineda
Birthdate: September 27, 1990
Zodiac Sign: Libra

GABI-GABING NAKATUTOK sa GMA Telebabad ang mga teleserye addict dahil sa bagong drama series na Akin Pa Rin Ang Bukas. Pinagbibidahan man ito ni Lovi Poe, hindi rin naman maikakaila na agaw-pansin din ang primera kontrabida ng programa na si Charee Pineda. Kaabang-abang kung paano nila pag-aagawan si Rocco Nacino, na paniguradong feeling super pogi dahil pinag-aagawan siya ng dalawang bebot, huh!
Bagong salta sa Siyete si Charee Pineda, at alam naman ng lahat na nag-klik din ang tambalan nila noon ni JM de Guzman. Pansin n’yo ba na pareho ang appeal nina Papa JM at Papa Rocco? Ito siguro ang rason kung bakit sila ginawang tusong magdyowa sa programa.
Kanselado na ang engagement ni Charee sa non-showbiz boyfriend nito. Tikom naman ang bibig ni Rocco kung may babae bang nagpapakilig sa kanya. Keri kaya kung sina Rocco at Charee na lang?!
Bago mag-desisyon ang Libra sa isang bagay, tinitimbang muna nito ang mga pros and cons ng kanyang hakbang. Ang Aries naman ay agad na umaaksyon at mamaya na niya iisipin kung tama o mali ba ang kanyang ginawa. Importante sa Libra na pakinggan ang opinyon ng iba habang sinusundan naman ng Aries kung ano ang inuudyok ng puso’t isipan. Magkaiba man sila ng pamamaraan, malaki pa rin ang tsansang mag-work at tumagal ang relasyong ito!

Ang kanilang pagsasama ay magbabase sa emotional attraction. Ang tahimik at parelaks-relaks na personality ng Libra ay swak sa napaka-adventurous nature ng Aries. Tuturuan ng Libra ang Aries na maghinay-hinay at mag-isip bago gumawa ng aksyon, habang ang Aries naman ang mag-uudyok sa Libra na hindi masamang mag-enjoy at lumabas-labas para ma-expose naman sa real world. Complimenting ang kanilang individual traits. Mapupunan ng isa ang kakulangan ng kapares. Ayos!
May instant attraction na mararamdaman sa isa’t isa ang babaeng Libra at lalaking Aries. Kung paano ito patatagalin ay isang malaking question mark. Matalino silang tao kaya wala silang kiyeme sa pakikipag-usap sa ibang tao. Ang isa sa puwede nilang pag-awayan ay ang temper ng isa’t isa. Kailangan nilang mag-adjust. Kung malagpasan nila ito, surely ay happily ever after ang ending nito!
Boom! There you have it! Hindi man tuloy ang wedding ni Charee at unstable ang relasyon ni Rocco sa mga past bebots na na-link sa kanila, big possibility na silang dalawa talaga ang meant for each other. Ayiiii!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

2 thoughts on “Rocco Nacino & Charee Pineda: You Were Meant For Me!

  1. oh my god… bat ba nasa 7 yan si charee???? hey girl… kaya pala di ka nakikita sa dos. anjan ka pala!!!! god. sayang ka girl.. sisikat ka na sana.. pumasok ka pa jan sa 7

Leave a Reply

Your email address will not be published.