Rocco Nacino, ayaw nang gumanap na bading

NAGHAHANDA NA si Rocco Nacino para sa bagong drama series ng GMA-7 na Yesterday’s Bride na pagsasamahan nila ni Lovi Poe. Sa October 3 na magsisimula ang kanilang taping para rito.

“Nanibago ako na magkakasama kami ulit ni Lovi sa trabaho,” ana’ng aktor. “Pero in a good way. Kasi nga she has achieved so much. Award-winning actress na siya. After no’ng first na pagsasama namin sa romantic comedy series noon ng GMA na Love Bug, sobrang naging close naman kami ni Lovi. Magkaibigan talaga kami. At nagdya-jive din ‘yong ugali namin. At saka may common friends din kasi kami, eh. Kaya dati, nagkakasama-sama rin. Kaso lately hindi na, eh. Dahil sobrang busy rin kasi niya.”

Before, may nabanggit si Rocco na crush niya si Lovi. Kaso at that time ay karelasyon naman ng aktres si Ronald Singson. “No’ng bagong pasok ako sa showbiz, isa nga siya sa nabanggit ko na crush kong female celebrities. Siya kasi ‘yong typical morena na ang lakas ng appeal. Pero at least I got the chance ngayon to be with her in a teleserye. Maganda ang story nitong Yesterday’s Bride na pagsasamahan namin. Very different talaga. Mag-asawa ang role namin. Pero may mangyayari sa kasal namin. Tapos papasok sa story si Karel Marquez. Ka-triangle namin si Karel. Tapos si Luis Alandy rin, kasama namin na magiging kaagaw ko naman kay Lovi. So, bale dalawang love triangle ang mangyayari rito. Kaya malalim ang story.

“Ang alam ko, sabi ni Lovi, nag-usap daw sila ng mga writers. And they came up with something really different from the usual formulas sa mga teleserye. Kaya tingin ko talaga, magki-click ito. Mahu-hook ang audience na manood nito.”

Wala pa raw siyang idea kung magkakaroon ba sila ng intimate scenes o kissing scenes ni Lovi.

“If ever na meron, well it’s part of the work, eh. Sa story kung kailangan talaga. Basta, professional dapat pagdating sa mga ganyang bagay. Dapat na i-maintain ‘yong professionalism. Nagawa ko na naman ‘yong mga ganyang eksena noon with Jennylyn (Mercado) sa Gumapang Ka Sa Lusak. Iyon ‘yung time na kabadong-kabado ako kasi first time nga.”

Matagal nang natengga ang pagpapatuloy sana ng shooting ng pinagbibidahan niyang Ilocano epic film na Lam Ang. May isyu na tuluyan na raw na-shelved ang nabanggit na proyekto.

“Nakakausap ko naman ang director namin. Hindi raw shelved. I was assuming na shelved na. Pero hindi naman pala. On-hold lang daw ang pagri-resume ng shooting namin. Ang alam ko, takot pa rin ang producer at ang buong production sa weather. Na on-off ang pag-ulan. Thirty percent na ng pelikula ang nakukunan namin. Kung masi-shelve ‘yon, sayang naman.”

May nagawa ring indie movie si Rocco. Ito ang I Love You Pare Ko. Kasama niya rito si Rodjun Cruz. Bading ang role ni Rocco sa pelikulang ito. Pero kumpara sa role niyang isang discreet gay dati sa indie movie ring Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa with Paulo Avelino, screaming fagot daw talaga ang character niya sa I Love You Pare Ko.

“Parang Roderick Paulate sa pagpu-portray ng gay roles. ‘Yon ang peg ko. Kasi comedy ‘yong movie. Pero not too much naman ‘yong pagiging screaming faggot ko. Siyempre ayaw rin ng Artist Center. Tinanggap ko ‘yong role for the purpose of being versatile. Kasi nga gusto kong maging versatile actor. Na drama tapos sundot ng comedy. Para mahasa at madagdagan ‘yong knowledge ko about acting.”

Okey lang sa kanya talaga ang pagpu-portray ng gay roles?

“Ah, hindi! Para sa akin, last na itong sa I Love You Pare. Kasi, although gusto kong maging versatile actor, pero ang peg ko is more of an action-dramatic actor.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Rocco Nacino, ayaw nang gumanap na bading

Leave a Reply

Your email address will not be published.