Rocco Nacino at Sheena Halili, idine-deny pa rin ang relasyon!

SWEET NA sweet sina Rocco Nacino at Sheena Halili saan man sila magpunta pero ‘friends’ pa rin daw sila.

Nasa getting to know each other pa rin daw ang drama nila, pero very maalaga raw si lalaki kay babae.

Naku, ha? Kahit marami ang nagsasabing sila na, ayaw pa ring umamin. O baka naman aamin lang ang dalawa ‘pag hiwalay na?

Showbiz nga naman!

 

NAKAUSAP NAMIN si Richard Gomez sa isang event nitong Martes at masaya niyang ibinalitang magbabakasyon sila ni Lucy at Juliana sa Paris, in time for father’s day. Sana raw ay makabuo na sila ng second baby ni Lucy sa bakasyon nilang ito.

Handang-handa na naman daw siya sa nalalapit na pagsabak niya sa kampanyahan come 2013, kung saan tatakbo siyang Mayor sa Ormoc City.

Ani pa ni Goma, uunahin niyang solusyunan ang kahirapan sa bayan ng Ormoc at mabawasan ang unemployment doon.

Goodluck!

 

FRESH FROM his Japan vacation, inamin ni Daniel Matsunaga na naka-move on na siya mula sa break-up nila ni Heart Evangelista na balita naming may bago nang dini-date sa ngayon.

When asked to comment on Heart-Senator Chiz Escudero’s recent sightings, Daniel just wished them goodluck.

 

NAKAKALOKA SI Iwa Moto sa kanyang mga rebelasyon recently about Jodi Sta. Maria. Pero, nananatiling tahimik ang kampo ni Jodi about the issue.

Nang makausap namin si Iwa sa taping ng Loko Moko, masaya niyang ikinuwento ang pagiging close nila ni Thirdy, ang anak ni Jodi kay Pampi Lacson na kasalukuyan naman niyang jowa.

Sweet na sweet daw si Thirdy at palagi raw itong nagti-text sa kanya. Sila pa nga raw dalawa ni Pampi ang nag-ayos ng enrollment papers ng bagets na mag-aaral na.

Ayon pa kay Iwa, may mga ebidensiya pa raw siyang ipapakita if ever lalaki pa ang isyu. Pero sa ngayon, happy na raw siya sa anuman ang namagitan sa kanila ni Pampi na very sweet sa kanya at maalaga.

Kayo na!

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

5 thoughts on “Rocco Nacino at Sheena Halili, idine-deny pa rin ang relasyon!

Leave a Reply

Your email address will not be published.