Rocco Nacino and Sheena Halili have special relationship!

USAP-USAPAN NGAYON SA bakuran ng Siyete ang palihim na relasyon nina Rocco Nacino at Sheena Halili. Nag-umpisa ang kanilang special friendship nang magsama sila sa ‘Kaya ng Powers’, ang sitcom ng GMA-7 na tsinugi agad ng network. Hindi naman naputol ang komunikasyon ng dalawa. Palagi silang naiispatang magka-holding hands o sobrang sweet sa isa’t isa. Noong una’y itinanggi ni Rocco na girlfriend na niya si Sheena. Ngayon na tapos na ang teleseryeng Koreana, mukhang proud na ang binata na ikalat sa buong mundo na na-lovestruck nga ito kay Sheena. Lovestruck daw, o!

DENNIS TRILLO AT JAKE CUENCA, MAGTATAPAT SA ISANG PELIKULA!

Magkakaalaman na kung sino kina Dennis Trillo at Jake Cuenca ang mas nakalalamang pagdating sa aktingan sa pelikulang ‘My Neighbor’s Wife’ mula sa Regal Films. Mula sa panulat at direksyon ni Jun Lana, sa pelikulang ito mu-ling magku-krus ang landas nina Dennis at Jake. Dati silang nagsama sa fantaseryeng Majika ng GMA-7. Makakapares ni Dennis Trillo sa nasabing pelikula si Lovi Poe habang si Carla Abellana naman ang magiging leading lady ni Jake Cuenca. Sina Dennis at Jake ang dalawa sa pinaka-bankable na leading men ng ating henerasyon. Isang mala-king hamon para sa apat na bida ng pelikula ang nasabing proyekto lalo na’t bihira nang panoorin ng masa ang mga drama movies.

GLAIZA DE CASTRO, BIDA SA PELIKULANG ‘RAKENROL’!

Sa wakas ay ipalalabas na ngayong Hunyo ang pelikulang ‘Rakenrol’, ang indie film ni Quark Henares tungkol sa adventures ng isang baguhang banda. Si Glaiza de Castro ang bidang babae sa pelikulang ito. Kasali rito sina Diether Ocampo, Jason Abalos, Alwyn Uytingco at Ketchup Eusebio. May cameo appearance din ang ilan sa mga sikat na OPM bands. Halos mahigit tatlong taon na nang simulan ang shooting ng nasabing pelikula. Nakakatuwang isipin na ilang karakter na ang ginampanan ni Glaiza de Castro sa teleserye bago pa man ito ipalabas. Better late than never, ‘di ba?

Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

loading...

4 thoughts on “Rocco Nacino and Sheena Halili have special relationship!

Leave a Reply

Your email address will not be published.