Rocco Nacino and Lovi Poe:
Yesterday’s Loveteam, Tomorrow’s Lovers?

ROCCO NACINO

Full Name: Enrico Raphael Quiogue Nacino

Birthday: March 21, 1987

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday

 

LOVI POE

Real Name: Lourdes Virginia Moran Poe

Birthdate: February 11, 1989

Zodiac Sign: Aquarius

Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday

 

ANG YESTERDAY’S Bride ang pinakainaabangang palabas sa GMA Afternoon Prime line-up ngayon. Ito ay pinagbibidahan ng homegrown Kapuso talents na sina Rocco Nacino at Lovi Poe. Nagtambal na ang dalawa noon sa short-lived Sunday kilig show na Love Bug. Marahil ay nakitaan sila ng bonggang chemistry sa proyektong ishinoot pa nila sa Palawan many years ago.
Hindi mapagkakaila na malakas ang onscreen presence ng dalawa lalo na sa aktingan. Malaking plus din ang pagkakalapit ng kanilang edad at pareho rin silang nagtataglay ng natural na kutis Pinoy. Malaki ang potensyal ng tambalang ito kung aalagaan ng Siyete, right? In real life kaya ay may tsansang maging future bride ni Rocco si Lovi?

In fairness, achieve na achieve ang degree of compatibility ng Aries at Aquarius. Pareho silang independent at talagang binibigyan nila ng importansya ang kanilang freedom. Para sa dalawang zodiac, mareresolba nila ang problemang kinakaharap sa pamamagitan ng dynamic approach. Ang maganda sa pagsasamang ito ay nirerespeto nila ang uniqueness at individuality ng isa’t isa. Importante para sa kanila na mai-express nila ang kanilang personal creativity.

Palaging susuportahan ng Aquarius ang lahat ng proyektong gagawin ni Aries. Bukas naman sa mga comments and suggestions ang Aries at madalas na sinusunod nito ang mga ideya na ibabahagi ng Aquarius. May mga pagkakataong maiimbyerna ang Ram sa bigla-biglang pagde-decide ng Aquarian, but it’s not really a big deal. Dahil parehong energetic ang dalawa, siguradong walang boring moments na magaganap. In short, iz a match!

Sa relasyon ng Aries na lalaki at Aquarius na babae, given na ang babae ang ‘manager’ ng kanilang pagsasama. Ito ay dahil sa mas malawak ang pang-uunawa nito at kaya nitong mag-adjust kung sakaling mag-alburuto bigla ang lalaki. Pagdating naman sa romansahan ay hindi magpapahuli ang Aries sa pagpapainit nito. In short, sa buhay man o sa kama, kering-keri nila ang ever lasting relationship! Va-va-voom-broom!
Hmmmm… ang yesterday’s loveteam pala ay may big chance na maging tomorrow’s real-life couple! ‘Wag na lang tayong magtaka kung later on ay umamin sina Rocco at Lovi na magsing-irog na sila. There’s nothing wrong naman since they’re both single and ready to mingle. Lavet!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.