Rocco Nacino and Kylie Padilla: The Good Tandem!

ROCCO NACINO

Real Name: Enrico Raphael Quiogue Nacino

Birth Date: March 21, 1987

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday

 

KYLIE PADILLA

Real Name: Kylie Nicole Padilla

Birth Date: January 25, 1993

Zodiac Sign: Aquarius

Symbol: The Water Bearer

Ruling Planet: Uranus

Quality: Fixed

Element: Air

Basic Trait: I Know

Closest Metal: Aluminum and Uranium

Lucky Day: Saturday

 

ISANG BAGONG tambalan ang ipinakilala kamakailan ng GMA-7 para sa kanilang afternoon prime. Ito ay ang pagsasama sa kauna-unahang pagkakataon ng homegrown Kapuso talents na sina Rocco Nacino at Kylie Padilla sa programang The Good Daughter. Ilang linggo pa lang ume-ere ang nasabing drama series, pero nakatatanggap na kami ng magandang feedback tungkol dito.

Ang nagustuhan namin sa bagong loveteam ng Siyete ay hindi sila masyadong ‘pilit’. Meaning na hindi masyadong binigyan ng gimik ang offscreen relationship nila ‘di tulad ng ilan na pilit na nagpapanggap, wala namang nagaganap, huh!

Ngayon na nakikitaan na ng potensyal ang Rocco-Kylie loveteam, gumawa muna tayo ng konting kilig-kilig cheverloo. Paano kaya kung magka-debelopan ang dalawa sa totoong buhay? To Aljur Abrenica at Sheena Halili, tabi-tabi po muna tayo at kakausapin lang namin ang mga stars. Ahihi!

Compatible sa isa’t isa ang Aries at Aquarius. Halos pareho sila ng personality traits pagda-ting sa pagiging independent at mapagmahal sa kalayaan. Para sa parehong zodiac, ang pinaka-epektibong paraan ng pag-ayos ng problema ay sa pamamagitan ng progressive and dynamic approach. Parehong nahihirapan ang dalawa na makibagay sa mga tradisyon at hangga’t maaari’y ayaw nilang sumunod sa mga patakaran. Importante sa kanila na mailabas nila ang kanilang creativity. Ang maganda sa dalawang ito ay pareho silang busilak ang puso pagdating sa pag-ibig. Loyal kung loyal!

All-out sa pagsuporta ang Aquarius at ini-engganyo niya ang Aries na tuparin ang kanyang mga pangarap. Ang Aries naman ay interesado sa mga ideya ng ka-partner. May mga pagkakataong maiirita ang Ram sa pagiging impulsive ng water bearer, pero hindi ito malaking issue sa kanila. Dahil pareho silang energetic, bihirang maging boring ang pagsasamang ito. Samakatuwid, very good match sila!

Sa relasyon ng isang Aries na lalaki at Aquarius na babae, mas nagiging dominante sa relasyon ang huli. Kaya niyang pakalmahin ang lalaki sa pamamaraang mahinahon. Pagdating naman sa kama ay mas kontrolado ito ng lalaking Aries. Sa sobrang galing nito sa pangroromansa, hindi na kataka-takang maabot nila ang heaven!

So… good din naman pala ang chemistry nina Rocco at Kylie offscreen kung sakali. Mukhang kailangang tumodo effort sina Pareng Aljur at Mareng Sheena sa pambabakod. Mahirap na. Baka mamaya ma-realize ng dalawa nating bida na they will make a good couple! Toinks!

 

By Madam Damin

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

2 thoughts on “Rocco Nacino and Kylie Padilla: The Good Tandem!

Leave a Reply

Your email address will not be published.