Robredo, Inatake sa Jueteng nina Nepumuceno at Tony S

P

DAHIL SA KAWALAN ng aksiyon ni bagong upong Department of Interior and Local Government Sec. Jesse Robredo kaugnay sa naglipanang iligal na sugal sa bansa, siya ngayon ang tinatarget ng iba’t ibang sektor na kalampagin kung gaano katotoo na sa pasimula pa lamang ay mistulang inutil na ito sa kanyang tungkulin.

Matatandaang sa halos lahat ng rehiyon sa bansa, mainit ngayon ang nagaganap na pagbabatikos sa nasabing operasyon ng iligal na sugal partikular na ang Small Town Lottery (STL) at jueteng.

Ngunit ni isa man sa mga itinuturong operator ay wala umanong ipinahuhuli o pinaiimbestigahan si Robredo, ayon pa sa ilang lokal na opisyal sa Marikina City.

Partikular na binanggit ng source ang diumano ay pagbubulag-bulagan ni Sec. Robredo sa lantarang operasyon ng tinaguriang “honorable jueteng lord” na si Elmer Nepumuceno.

Si Nepumuceno na matagal nang itinuturong utak umano ng iligal na sugal sa Marikina, Makati, Pasay, Las Piñas, Taguig, Pateros, Muntinlupa at sa ilang bahagi ng Cavite ay hindi man lang umano napaiimbestigahan ni Robredo.

Idinagdag pa ng source na maging ang “jueteng” ni Tony S. na pinatatakbo ng anak nitong tomboy ay patuloy umanong namamayagpag at mistulang walang kinatatakutan.

Ayon sa ilang source ng Parazzi Investigative Team, ang arawang kubransa ng dalawang gambling lord ay parehong lagpas ng isang milyong piso, kaya naman may kakayahan umano ang mga ito na busalan sa pamamagitan ng malalaking halaga ang mga lokal na opisyal at maging ang matataas na opisyal ng pulis.

inoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.