Robredo, ‘di habol ang kumpirmasyon ng CA

 

NANINIWALA ANG misis ng yumaong si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo na hindi malaking bagay para sa kanyang mister ang makumpirma ng Commission on Appointments (CA).

Ayon sa pahayag ni Atty. Leni Robredo, base na rin sa kanilang personal na pag-uusap ng asawa ay lumilitaw na hindi naman nito habol ang opisyal na pagtatalaga sa kanya sa kagawaran.

Sa katunayan aniya, nang sabihan niya ang asawang ipagdarasal niya ang confirmation hearing nito ay hiniling pa nito na sa kanyang anak na lamang ialay ang novena sa Birhen ng Peñafrancia.

Mas importante para sa kanyang asawa ang ma-gampanan ang trabahong itinalaga sa kanya, ani Gng. Robredo.

Samantala, tumanggi na rin itong magkomento sa mga naglabasang balita tungkol umano sa mga sisihan kung bakit hindi opisyal na nakumpirma ang pagkakatalaga ng asawa sa DILG.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.